Hindi maipagkakaila na isa sa mga kilala at hinahangaang young actress ngayon si Mariko Nicolette Egger dela Cruz o mas kilala sa kaniyang screen name na Mika Dela Cruz. Siya ay iniidolo ng marami dahil sa kaniyang husay sa pag-arte, kabutihan ng kaniyang puso, at taglay na kagandahan.

Sa tuwing siya ay nagpo-post ng kaniyang mga larawan sa kaniyang social media accounts ay madalas itong inuulan ng mga positibong komento.

Kamakailan nga lamang ay inulan ng komento ang kaniyang latest shoot dahil kapansin-pansin sa kaniyang mukha ang pinagbago nito at ang naturang larawan ay isang endorsement para sa isang local clothing brand.


Ang nasabing shoot ng clothing brand na Apartment8 ay naganap sa Singapore noong 2018 kasama ang co-endorser at kapwa Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

Sa nasabing larawan, makikita na si Mika ay nakasuot ng magandang damit na talaga namang bagay na bagay sa kaniya. 

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit madali lamang maibenta ang damit na kaniyang iniendorso dahil sa kaniyang taglay na charm.


Sa official Instagram account ng Apartment 8 clothing, makikita ang mga local brand new collection ay nagfo-focus sa mga shades na talagang bagay sa skintone ng isang tao, kagaya ng morenang si Julie Anne San Jose at fair-skinned na si Mike Dela Cruz.

Si Mika Dela Cruz ay unang nakilala ng publiko noong siya ay sumali sa reality show na "Star Circle Quest". Ngunit nakilala na si Mika ng marami dahil sa kaniyang kapatid na si Angelika Dela Cruz bago pa man siya gumawa ng sariling pangalan sa industriya.


Sa ngayon ay may kasintahan si Mika Dela Cruz na dati niya ding nakatrabaho sa Goin' Bulilit at ito ay walang iba kundi si Nash Aguas.

Samantala, kung titignan ang Instagram account ng aktres, makikita na siya ay talagang mahilig sa travel.