Ang dating 'Goin' Bulilit' star na si Trisha Louise Canete o mas kilala sa kaniyang screen name na Cha-cha Canete ay nadiskubre ng isang direktor at talent manager na si Erik Matti noong siya ay apat na taong gulang pa lamang nang mapansin ng huli si Cha-cha sa isang coffee shop sa loob ng compound ng Kapamilya network.
Taon 2009 nang unang lumabas si Cha-cha sa telebisyon bilang commercial model ng real-estate company na "Camella Homes" na may theme song na "Bulilit, Bulilit, Sanay sa Masikip." Pagkatapos nito, siya ay naging mainstay naman sa komedy gag show na "Goin' Bulilit."
Gayunpaman, nang siya ay grumaduate na sa naturang kids' show noong 2015, sinubukan ni Cha-cha na pumasok sa acting at hosting. Siya ay naging isa sa mga host ng travel magazine show na Byaheng Bulilit kasama ang dalawang Japanese nationals na sina Tatay Nishii at Ya Chang. Lumabas din sa ilang pelikula si Cha-cha kagaya ng "A Journey Home", "Wapakman", "In My Life", at "Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak."
Ngunit, mas napukaw ni Cha-cha ang atensyon ng publiko nang pinakita niya ang kaniyang husay pagdating sa pagkanta at gumawa din siya ng sariling pangalan sa industriya ng musika.
Taong 2013 nang makuha ni Cha-cha ang dalawang silver na medalya mula sa 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.
Siya ay naging usap-usapan din sa social media matapos niyang kantahin ang kanta ni Rachel Platten na "Fight Song" sa radio station's (Wish FM 107.5) bus noong 2017.
Lumipas man ang panahon, nanatili naman ang pagmamahal ni Cha-cha sa musika.
Sa kaniyang latest single, ang "Agwat" ang bata na dating inaayos pa ang kaniyang mga tedddy bears bago mag-perform at inuulit ang kaniyang mga kanta sa tuwing binibigyan siya ng standing ovation ng kaniyang pamilya sa gitna ng kaniyang performance ay umaawit na ngayon ng kantang pag-ibig.
Samantala, ginulat din ni Cha-cha ang marami dahil sa kaniyang big transformation! Ang dating cute, adorable, at bibong bibong bata ay isa na ngayong ganap na dalaga!
0 Comments