Enero 21, 2021 nang aminin ng Kapuso star na si Kristoffer Martin na siya ay mayroon ng 4 taong gulang na anak na si Precious Christine sa programa ng GMA-7 na 24 Oras. Sinabi din dito ng aktor na hiwalay sila ng ina ng kaniyang anak.
Sa exclusive interview ng PEP sa dating live in partner ni Kristoffer na si AC Banzon noong Pebrero 16, 2021, sinabi nito na ang kanilang relasyon ay tumagal ng pitong taon ngunit ito ay nauwi din sa hiwalayan dahil umano sa isang third party na hindi na niya pinangalanan.
Muling binalikan ni AC ang mga panahon na tila nag-iba na ang pagtingin at pakikitungo sa kaniya ni Kristoffer matapos ang lock-in taping nito para sa afternoon drama series ng GMA-7 na "Babawiin Ko Ang Lahat".
Ayon kay AC, si Kristoffer ang siyang nagpasya na tapusin na ang kanilang relasyon dahil napapagod na umano ang aktor at ang kanilang paghihiwalay ay naging opisyal lamang noong Disyembre 19, 2020 matapos ang limang taon na pagsasama sa iisang bahay.
Noong Abril 2021, inamin ni Kristoffer sa kaniyang guesting sa "The Boobay and Tekla Show" ang tungkol sa relasyon nila ni Liezel Lopez, ang kaniyang co-star sa Babawiin Ko Ang Lahat ngunit hindi din nagtagal ang kanilang relasyon dahil sila ay naghiwalay din matapos ang tatlong buwan.
Noong July 26, 2021 naman ay mas pinagtuunan ng pansin ni Kristoffer ang kaniyang pananalig sa Diyos noong siya ay sumali sa religious community na siyang dahilan para magkaayos muli sila ni AC.
At nitong Nobyembre 20 lamang ay ipinagdiwang ni Kristoffer ang kaniyang ika-27 kaarawan sa isang beach resort sa Bohol kasama si AC at ang kanilang anak.
Caption ni Kristoffer sa kaniyang birthday post sa Instagram,
"27, with my life and my anchor. It's been rough, but we're still here. These two has been the strongest people I know. Thank you for your unconditional love.
"Lord, iba ka kumilos. Salamat Lord sa mga pinaintindi mo sakin. Di mo ko iniwan from the start. I will forever trust you Lord.
"First family trip nitong pand3mic. Deserve natin tong tatlo."
Kinumpirma din ni AC na sila ay muli na ngang nagkaayos ni Kristoffer sa kaniyang Instagram post.
Aniya sa caption,
"A few big bumps along the road and yet we're still here. Happy birthday."
0 Comments