Sa panahon natin ngayon, nakakalungkot lamang isipin dahil tila marami na ang gumagawa ng ilang mga salita para mapatunayan ang ganda ng isang tao. At ang pagkakaroon ng kakaibang hitsura o kondisyon na hindi pasok sa kuwalipikason o panlasa ng marami ay itinuturing pa ngang 'pangit.'

Ngunit, sa kabila nito, ang pagkakaroon ng unique o kakaibang hitsura ng isang tao ay mayroon palang kakaibang ganda o katangian na hindi makikita basta basta. Kagaya na lamang ng isang dalagitang albino.

Napukaw ng larawan ng isang dalagita na mayroong kakaibang kondisyon ang atensyon ng photographer na si Amina Arsakova. Ngunit, sa kabila ng kaniyang kakaibang hitsura ay nakita ni Arsakova ang natatanging ganda na taglay ng dalaga na nasa larawan kaya naman naisipan niya na hanapin ito upang makita ng personal.


Sa kaniyang pagsusumikap at tiyaga na makita ang dalaga, nakuha ni Arsakova ang phone number ng nanay ng dalagita. Napag-alaman din niya na ang dalaga pala ay 12-anyos na at nagngangalang Amina Ependieva.

Sa kanilang pag-uusap, napag-alaman din ni Arsakova na ang dahilan ng pagiging kakaiba ni Ependieva ay dahil sa dalawang genetic condition nito na heterochromatin at albinism.

Ang albinism ay sinasabing kakulangan pagdating sa produksyon ng melanin dahilan para maging ganyebe ang kulay ng balat ni Ependieva. Samantala, ang heterochromatic naman ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kaniyang iris, isang kulay brown at isang kulay asul.


Sa kabila ng kaniyang kakaibang kondisyon, hindi pa din maitatago ang taglay na kagandahan ni Ependieva at natuloy din ang planong photoshoot ni Arsakova sa kaniya.

Kaagad naman na naging viral sa social media ang mga larawan ni Ependieva at marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga para sa natatanging kagandahang taglay ni Ependieva. May ilan din ang namangha sa mga kuhang larawan ni Ependieva dahil talagang kitang kita ang kagandahan na mayroon ito.