Tila may namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang young actress na si Barbie Imperial at AJ Raval matapos maglabas ng sama ng loob ni Barbie sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda ukol sa bali-balitang pambababae diumano ng boyfriend niyang si Diego Loyzaga at si AJ ang tinutukoy na babae nito.

Labis umano na nasasaktan si Barbie sa mga taong pilit na sinisira ang relasyon nila ng kasintahan niyang si Diego, lalo na at ayon sa kaniya ay ngayon lamang umano sinuportahan ng mga tao ang kaniyang lovelife.

Sa nasabi ding panayam ni Boy Abunda kay Barbie, nagbigay ng mensahe ang aktres kay AJ kung saan ayon sa kaniya ay tila gusto dinb ng huli ang nangyayari dahil minsan ay hindi daw ito nagsalita sa mga balita ukol sa kanilang dalawa ni Diego.


Ayon din kay Barbie, may nakapagsabi din sa kaniya na magkaibigan sina Xian Gaza at AJ at ang huli daw mismo ang nagbibigay ng mga impormasyon kay Xian tungkol sa mga balita sa Pilipinas.

Pahayag ni Barbie,

"For me kasi, di ba, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka like, kabit ni Diego magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari 'to lahat, na nagka-'thing' kayo ni Diego. And I heard, like I have a proof na AJ and Xian are friends. She feeds him info ng mga tsismis."


Dagdag pa niya,

"Actually, friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin siya sa grupo namin kasi nga girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel. Nagulat lang ako na ang daming nangyayari na ok gusto mong maging kabit, e hindi ka nga gusto ng boyfriend ko."

Samantala, kagaya ng dati ay hindi din nagpatalo si AJ sa mga hindi magagandang ibinabato sa kaniya at nag-post kaagad ito ng tila patama kay Barbie makalipas lamang ang ilang oras matapos ang interview ni Boy sa aktres.


Nag-post si AJ ng hindi kaaya-ayang larawan at nilagyan ng caption na "Staw away from my man" "Her man:"