Nadur0g ang puso ng mga netizens sa sulat na iniwan ng isang babae sa isang restaurant.

Ang nasabing sulat na para sa kaniyang yuma0ng kasintahan ay nakalagay katabi ng dalawang tasa ng kape, ang isa ay wala ng laman habang ang isa naman ay puno pa din.

Saad sa sulat,

“Alex, oh ayan. Tinupad ko na isang usapan natin na magkape ulit dito sa Kanto, kaso ako na lang. Paalam, mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita. Salamat sa lahat ng ala-ala dito sa Kanto. Rest in peace my loves.”

Ang isang staff ng restaurant ay kinuhanan ng larawan ang naturang sulat at ibinahagi ito sa social media.

Sinabi ng co-owner at operations head ng restaurant na si Paul Corpuz na ang babae na siyang nag-iwan ng sulat at ang partner nito ay madalas nilang maging customer sa Kanto Freestyle Breakfast.

Binisita niya kamakailan lamang ang isa sa kanilang mga branch at laking gulat ng staff na ito ay pumunta sa naturang restaurant ng mag-isa.

Ayon kay Corpuz, um-order ang babae ng dalawang kape. Tinanong pa nga ng kanilang staff ang babae kung nais nito na ipainit ang kape kapag dumating na ang partner nito nang bigla na lamang umiyak ang babae. Noong umalis umano ito, nag-iwan ito ng sulat sa lamesa na siyang nagpadurog sa puso nila.

Aniya,

“She ordered two coffees. Our staff even asked if [she] wants to re-steam the coffee once sir comes in. Then, the girl started to cry. And when she left, they found the note and they (staff) also started crying.”

Saad ni Corpuz, umaasa silang muling mapagsisilbihan ang babae at mapagaan ang kaniyang loob kung sakali man na siya ay bumisita mula sa restaurant.


Pagbabahagi niya,

“Gave them instructions to serve with a smile and kamustahin siya when ever she visits. Do the extra mile to make her feel better.”