Isang milyonaryo sa Toronto, Canada ang gumawa ng isang kakaiba at nakakatawang last will and testament. Isa sa mga nakakatawang bahagi ay ang pagpapamana niya ng vacation house sa tatlong abogado na magkakaaway. Ngunit sa isang kondisyon, dapat tumira sila na magkakasama sa nasabing bahay. At ang pinakakakaiba sa lahat ay ang kaniyang huling habilin ay nagdulot ng isang baby-making contest na siyang sinubaybayan ng media at ng mga tao sa Canada.
Inilagay niya kasi sa kaniyang testament na ang malaking bahagi ng kaniyang ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit $10 million o humigit-kumulang P498 million ay mapupunta sa sinumang babaeng makakapagsilang ng pinakamaraming anak sa loob ng sampung taon pagkatapos niyang mam4tay.
Sino kaya ang nagwagi at nakakuha ng ari-arian at kayamanan ng milyonaryong ito? At bakit kaya ito ang naisipan niyang ilagay sa kaniyang huling habilin?
Narito ang kakaibang kuwento ni Charles Vance Millar at ang tinaguriang "The Great Stork Derby".
Si Charles Vance Millar ay isinilang noong June 28, 1854 sa Ontario, Canada. Napakatalino ni Millar at dahil dito ay naging isa siyang kilalang abogado. Bukod diyan ay magaling din si Millar sa pag-iinvest na naging dahilan upang siya ay maging isang milyonaryo. Noon pa man ay kilala na si Millar bilang isang masiyahin at taong mahilig magpatawa o joker.
Madalas niyang pagkatuwaan ang pagkahumaling ng mga tao sa pera dahil lahat daw ay gagawin ng tao para lang sa pera. Ayon pa sa kaniya, ang bawat tao daw ay may presyo. Isa sa madalas niyang pagkatuwaan ay ang maglalaglag siya ng pera sa daan pagkatapos ay magtatago siya para lang panoorin ang mga taong tuwang-tuwang dumadampot ng perang iniwan niya.
Ngunit sa kasamaang palad, noong taong 1926, binaw1an siya ng buhay sa edad na 72. Wala siyang naging anak at asawa, o kaya ay malapit na kamag-anak na siyang magiging tagapagmana ng lahat ng kaniyang kayamanan.
Kaya ang tanong ng lahat sino kaya ang magmamana ng lahat ng kaniyang yaman?
Well, dahil nga matalino itong si Millar ay gumawa siya ng kakaibang will and testament bago siya pum4naw.
Nang pum4naw si Millar ay mas nakilala ang kaniyang pangalan. Hindi akalain ng lahat na kahit sumakabilang-buhay na ito ay tila ba nagawa pa rin na magpatawa ni Millar at nag-iwan pa ng isang pangyayari na hindi makakalimutan sa siyudad ng Toronto, Canada. Dahil nga walang pamilya o kamag-anak na maaaring pagkatiwalaan ng kaniyang mga kayamanan ay gumawa na lamang si Millar ng last will and testament with a twist.
Talagang kakaiba ang huling habilin ni Millar dahil tila ba matatawa ka sa laman nito. Mistulang isang malaking biro o isang prank. Sa kaniyang last will and testament, nag-iwan siya ng isang bahay bakasyunan sa Jamaica sa tatlong abogado na magkakagalit. Pero ang kaniyang kondisyon para makuha ng mga ito ang property ay dapat silang tumira ng magkakasama sa isang bahay. Ngunit kapag pum4naw na ang lahat sa kanila ay ipapabenta niya ito sa kaniyang Executors at ang lahat ng proceeds ay ibibigay sa City of Kingston, Jamaica para ibahagi sa mga mahihirap.
Iniwan niya din ang kaniyang mga stocks sa O'Keefe Brewery at sa Kenilworth Jockey Club sa tatlong lalaki na ayaw na ayaw sa horse racing, pero ang kondisyon niya, dapat maging member muna sila ng horse racing club para makuha ang mga ito.
Pinamanahan din niya ng $500 ang kaniyang kasambahay kahit ito ay pum4naw na. Pero ang pinakakakaiba sa lahat ay inilagay niya sa kaniyang huling habilin na ang natitirang malaking bahagi ng kaniyang ari-arian ay mapupunta sa sinumang babaeng makakapagsilang ng pinakamaraming anak sa loob ng sampung taon pagkatapos niyang m4matay. Kung sakali na may mag-tie ay hahatiin ito sa kanila.
Ang kabuuan ng natitirang kayamanan ni Millar ay nasa mahigit $10 million sa ating pera ngayon. Ang huling habilin na ito ni Millar ang dahilan kung bakit nabuo ang isang baby-making contest na tinawag nilang "The Great Stork Derby."
Mabilis na kumalat at naging usap-usapan sa Toronto ang kakaibang habilin ni Millar. May ilang hindi natuwa sa last will and testament nito at sinubukang kunin ang yaman niya. Biglang nagsulputan ang mga malalayong kamag-anak ni Millar at sinabing hindi daw dapat i-honor ng korte ang pa-contest nito sa kaniyang last will and testament dahil yun daw ay isang malaking joke lang.
Samantala, nag-appeal naman ang Ontario na dapat ay sa gobyerno na lang mapunta ang perang naiwan ni Millar. Maraming kumuwestiyon sa huling habilin ni Millar at pinasa-pasa ito sa maraming korte.
Ngunit nang makarating ito sa Supreme Court of Canada ay idineklara itong valid. Dahil dito, pinagpyestahan ng media ang kwentong ito at inabangan ng marami ang paglaban-laban ng mga babae sa Toronto sa paramihan ng anak.
Sa mga panahong ito kasi ay nangyari ang great d3pression, ang pinakamalubhang economic recession kung saan maraming tao ang naghirap at nagutom. Kahit paano ang huling habilin ni Millar ang siyang nagbigay ng pag-asa sa mga taong lumalaban para mabuhay. Kaya kahit sinasabi ng iba na isang malaking kalokohan lang ito, marami pa ring babae ang sumali kahit buhay nila ang nakasalalay dahil nagbabakasakali silang manalo para mabuhay.
Pagkatapos ng isang dekada at habang papalapit ang deadline ng contest na October 31, 1936, padami ng padami naman ang mga contestants at tinutukan ng buong Canada kung sino ang mananalo. Nang opisyal ng isara ang contest, ang bilang ng contestants ay nasa 24 na babae at sila ay may anak na walo pataas.
Ang namahala ng pagdedesisyon ay si Judge William Edward Middleton. Sa 24 na babae, nasa walo lang ang tinanggap ng korte na eligible sa contest. Samantala, sa walong ito, inannounce ni Judge Middleton na nag-tie ang apat sa mga ito. Ang mga babaeng nagtie ay sina Annie Katherine Smith, Kathleen Ellen Nagle, Lucy Alice Timleck, at Isabel Mary Maclean.
Lahat sila ay nagsilang ng 9 na anak sa loob ng 10 years. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng $125,000 o humigit-kumulang P6 million sa ating pera ngayon. Sapat na daw ito para makabili sila ng bagong bahay at para matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Kung iyong iisipin paano na lang yung mga hindi nanalo sa contest, siguro ay mas lalo silang naghirap dahil sa dami ng anak. Pero bakit nga ba ito ang naisip ni Millar na ilagay sa kaniyang huling habilin?
Marami ang naging haka-haka kung bakit. Isa daw sa mga rason ay nais ni Millar na maging legal sa kanilang lugar ang birth control nang mga panahong iyon. Nais niyang ipakita sa lahat kung ano ang maaaring mangyari kapag walang birth control at kung walang alam ang mga tao tungkol dito.
0 Comments