Matapang na pinasaringan ng ilang miyembro ng fraternity na Alpha Kappa Rho (Akhro) ang mamamahayag na si Ben Tulfo matapos tawagin ng huli na "tambay" at "pang highschool" lamang ang nasabing organisasyon.
Matatandaan na sa isang panayam ni Ben sa isang miyembro ng Akhro ay tila minaliit nito ang naturang organisasyon sa pagsasabi na ito ay "pang highschool" at "pang tambay" lamang.
Hindi naman ito nagustuhan ng karamihang miyembro ng Akhro at nagbigay ng kanilang pasaring laban kay Ben.
Sa Facebook live, binanatan ng ilang miyembro si Ben at sinabi na ang sahod ng sinasabi niyang "tambay" lang ay sahod na ng mamamahayag sa loob ng isang buwan.
Ipinaliwanag din ng mga ito na ang sistema na mayroon sila ngayon ay iba na kumpara dati. Sinabi din nila na hindi porke't sila ay nasa naturang organisasyon ay "tambay" lamang sila bagkus karamihan sa kanilang miyembro ay marami na ding narating sa buhay.
Payo ng isa,
"Hindi naman sa pangmamaliit. Bago ka mangmaliit ng kapwa, isipin mo muna yung mga matatapakan mo. Eh, kumbaga mag-research ka muna kung ano yung nagagawa ng mga kapatid natin, mga kapatid namin. Eh siguro nai-stock ka lang doon sa 'nung araw na sistem pero iba, iba kami ngayon."
Samantala, maging ang founder father ng grupo na si Jose "Boy" Chua ay nagbigay din ng pahayag tungkol sa sinabi ni Tulfo laban sa kanilang grupo at nilinaw na hindi lamang puro drop out ang mga miyembro ng kanilang kapatiran.
Hiniling din ni Chua na magbigay ng public apology si Tulfo sa kanila.
Narito ang mensahe ni Chua kay Tulfo,
"To Mr. Ben Tulfo:
As the Founding Father of Alpha Kappa Rho Fraternity, I demand you to make a PUBLIC APOLOGY in degrading, hum1liating, and underestimating our fraternity.
We are calling you out for your irresponsible statement such as “pang highschool lang yan” “mga tambay” “pang drop-out” etc. You are not just insulting our names, but the whole community that we have fostered over the years.
Just to give you an information, Alpha Kappa Rho members are well-mannered, educated, and civilized people. We are a fraternity helping reach out to different communities who are in need, not just in the Philippines but internationally.
We hold different outreach programs, oplans, and other projects to help not just our members but also the Filipino people.
Sa tanong mo, saan nanggagaling ang pera? If you haven’t heard of solicitations and donations, this is how it works.
When you said “pang mga highschool lang”. We’re here to prove you wrong. We have a powerhouse of successful Mayors, Doctors, Lawyers, and Artists.
When you broadcast or air something publicly, you should be sure of what you’re saying.
With over a million members, we, the Alpha Kappa Rho Fraternity, demand a PUBLIC APOLOGY.
And BITAG NETWORk, Inc, we can’t let this pass."
0 Comments