Kamakailan lamang ay ginulat nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang publiko nang ianunsyo nila ang tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib. Ito ay ginanap sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort sa Bagac, Bataan noong November 11, 2021. 

Ang espesyal na araw na ito ng celebrity couple ay dinaluhan lamang ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Matatandaan na noong Enero 2021 lamang nang aminin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon. Pag-amin nina Derek at Ellen, naging mabilis ang mga pangyayari sa kanilang relasyon. At makalipas lamang ang dalawang buwan ay nag-propose na ang aktor kay Ellen.


Saad ni Derek, kahit ang kaniyang mga magulang na sina Remedios at Derek Arthur Ramsay Sr. ay nagulat nang sabihin niya sa kanila na nais na niyang pakasalan si Ellen. Ngunit saad ni Derek, ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa kaniyang buhay pag-ibig.

Sa wedding vows ng aktor, binanggit niya ang dahilan kung bakit naisip na niyang mag-propose kay Ellen. Ayon kay Derek, si Ellen lamang daw ang naisipan niyang ayain na magpakasal sa dami ng kaniyang mga naka-relasyon.


Ani ng aktor,

"When I told my parents I wanted to marry you, they asked me why cause they felt it was too fast and too soon. I told them, 'In my 44 years old, have I ever mentioned the M word to you guys?' I guess that question made them realize how serious I was and how happy I was to have you and how you've made me."

Kasama din sa wedding ceremony ng dalawa ang anak ni Ellen sa kaniyang dating partner na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. 


Nagsilbing ring bearer sa nasabing okasyon si Elias. Ang binatilyong anak naman ni Derek sa kaniyang dating kasintahan ay present din sa espesyal na araw ng kaniyang ama.