Kinahabagan at kinaawaan ng maraming netizens ang kalagayan ng isang lalaki na natutulog lamang sa isang akrton sa ibaba ng LRT na nangangayayat na ang pangangatawan dahil wala umanong makain.

Sa post na ibinahagi ng netizen na ibinahagi ng netizen na si Sena Del Barrio Nicole, nakita niya ang lalaki sa Taft Avenue sa babae ng LRT station. Naawa ang netizen sa sitwasyon ng lalaki dahil wala man lamang itong proteksyon sa sikat ng araw at sa ulan dahil sa isang maliit na karton lamang siya natutulog.

Hindi na din daw makatayo ang lalaki dahil sa panghihina ng katawan nito marahil dahil na din sa kaniyang sobrang kapayatan at walang makain.


Hiling naman ni Nicole ay sana matulungan ng mga may mabubuting puso ang lalaki para mapatignan ang kalagayan nito sa mga eksperto at makauwi sa kaniyang pamilya o di kaya ay mabigyan man lamang siya ng maayos na matitirhan.

Binigyan ni Nicole ng pagkain ang lalaki at sinubukan itong kausapin ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito dahil sa hirap itong magsalita.

Narito ang kabuuang post ni Nicole:

“Nakita lang po namin si Tatay sa Taft Avenue kanina, sa Baba ng LRT EDSA STATION nakakaawa naulanan at narawan sa pwesto niya gamit ang higaang kartonbasa pa yung gilid ng damit niya.

“Hindi makatayo dahil nanghihina gawa ng sobrang payat na siya dahil hindi nakakakain ng maayos


“Hoping may tumulong sakanya para makabalik sa pamilya or mapagtignan ang kalagayan.

“Nung binigyan namin siya ng pagkain tinanong namin pero di namin maintindihan ang sinasabi niya mahina na tlaga at hirap magsalita."

Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi mapigilan na maawa din sa kalagayan ng lalaki dahil makikita din na hirap na hirap na ito sa kaniyang sitwasyon. Hiling naman ng marami na sana ay mayroong mabuting puso ang magbigay o magabot ng tulong para dito.