Naaalala niyo pa ba si Marianne Dela Riva? Ang isa sa pinakamaganda at kilalang aktres sa showbiz industriy noong 70s at 80s. Ito na ang kaniyang buhay ngayon matapos iwan ang showbiz limelight.
Nagsimula ang showbiz career ni Marianne Dela Riva nang siya ay ma-diskubre ng kilalang fashion designer. Nang siya ay makita ng marami sa ilang mga fashion wall, marami ang kumuha sa kaniya bilang endorser at model ng kanilang mga produkto. Ang kaniyang karera naman bilang model ang siyang naging daan upang siya ay makapasok sa larangan ng showbiz.
Taong 1973, siya ay naging leading lady ng aktor na si Victor Laurel sa pelikula na "Love Song". Noong mga panahon na iyon ay kasama ang pangalan ni Marianne sa "Manila One of the Prettiest" dahil sa kaniyang taglay na kagandahan. Noong 1974 naman ay kinuha siya sa pelikula na "Imprison Cavite Boy" at gumanap bilang leading lady ni Ramon Revilla Sr. Sa sumunod na taon ay naging kapareha naman niya si Movie King FPJ sa pelikula na 'Ang Leon at ang Daga".
Muli siyang kinuha ni FPJ bilang kaniyang leading lady sa palabas na "Tutubing Kalabaw Tutubing Karayom" noong 1977. Maliban kay FPJ at Ramon Revilla Sr., siya ay isa din sa mga in-demand leading lady noong 70s at 80s ng ilang mga action stars. Kagaya nina Lito Lapid sa pelikula na "Zigomar" (1984), Rey Malonzo sa "Komander 45" (1987), Rudy Fernandez sa "Anak ng Tondo" (1985), Philip Salvador sa "Delima Gang" (1989), Eddie Garcia sa "Mayor Latigo" (1981), Dante Barona sa "Caring Estrabet", at marami pang iba.
Bukod sa pagiging leading lady, si Marianne ay isa din sa mga maituturing na favorite cover girl ng mga comis at magazines at kahit ang ilang mga kilalang fashion magazines noon.
Taong 1977 nang makuha ni Marianne ang bidang role sa kaniyang kauna-unahang series, ang "Gulong ng Palad". Ang nasabing teleserye ay umabot ng walong taon mula 1977 hanggang 1985. Sa "Gulong ng Palad", gumanap si Marianne bilang si Luisa habang si Ronald Corveau naman ay gumanap bilang si Carding. Ang nasabing teleserye ang naging daan para sa romantikong relasyon sa pagitan nina Marianne at Ronald. Nagpakasal ang dalawa noong 1979 at biniyayaan ng dalawang anak na babae.
Ngunit sa kasamaang palad ay naghiwalay din ang dalawa matapos ang ilang taong pagsasama. Huling nakita sa telebisyon si Marianne noong siya ay gumanap sa Panday series ng ABS-CBN noong 2005.
Matapos nito ay lumipat na si Marianne sa Amerika kung saan niya nakilala ang taong nagbigay kasiyahan at kulay sa kaniyang buhay. Ito ay walang iba kundi si Oscar Ortiz, isang doktor. Ang dating aktres at kaibigan ni Marianne na si Edna Diaz ang nagpakilala sa kaniya ng doktor.
Kalaunan ay nagpakasal din sina Marianne at Oscar. Kahit hindi nagkaroon ng anak si Marianne dito, itinuturing pa din ni Dr. Ortiz ang dalawang anak nito bilang sarili niyang anak. Ang dating aktres ay namumuhay na ngayon ng simple at masaya sa America kasama ang kaniyang asawa. Madalas silang lumalabas at nagta-travel kasama ang kanilang mga apo. Bumili na din si Marianne ng property sa Florida, USA.
Inamin ni Marianne na namimiss na niya ang showbiz ngunit hindi niya kayang ipalit ang masaya at tahimik na buhay na mayroon siya sa America kasama ang kaniyang minamahal na asawa at dalawang anak na mayroon na ding sariling pamilya.
0 Comments