Kailanman ay hindi magiging hadlang ang estado ang iyong buhay at edukasyon na iyong natapos sa pagtupad mo ng iyong mga pangarap. Dahil tiyaga, sipag, at pagsusumikap ang isa sa mga katangian na ating kailangan upang matupad natin ang ating mga pangarap sa buhay.
Kagaya na lamang ng buko vendor na ito na hinangaan ng marami matapos makapagpatayo ng sariling bahay!
Ayon sa post ng Facebook page na Russel Simorio GMA, hindi naging madali ang buhay para sa 27-anyos na buko vendor. Sa murang edad pa lamang ay kinailangan na niyang magbanat ng buto para makatulong sa gastusin ng kaniyang pamilya. Dahil na din sa kahirapan at kakapusan ng pera, tanging 2nd year high school lamang ang natapos ng buko vendor.
Nagsimula ang buko vendor sa pag-service ng tricycle hanggang sa naisipan niya na magtinda ng buko. Hindi naging madali ang negosyo na ito na pinasok ng buko vendor dahil sapat lang talaga sa pang-araw-araw nila ang kaniyang kinikita dito.
Ngunit dahil sa kaniyang sipag at tiyaga, unti-unting nagbunga lahat ng kaniyang hirap na pinagdaanan. At ngayon nga ay naipatayo na niya ang bahay na kaniyang pinapangarap para sa kaniyang pamilya.
Ang 100sqm lot area ng bahay ay mayroong dalawang kwarto, isang comfort room, at kitchen, dining, living area, at garage!
Patunay lamang ang buko vendor na ito na hindi kailanman magiging hadlang ang kahirapan para matupad ang ating mga pangarap. Sa kaniyang sipag, tiyaga, at pagsusumikap, nagawa niyang matupad ang kaniyang pangarap sa buhay.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa buko vendor.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Mkkpg patayo k nmn tlga ng sarili mong bhay bsta wlang bisyo nkafocus k sa pngarap mo, at ngttwla k sa srili mo n tutuparin mo ung pangarap mo. D man gnun kalaki pero ang importante sariling bahay"
"Ang taong masipag madiskarte may magandang kinabukasan......aqnga nagttinda Rin q Ng PALAMIG non dqkinahiya."
"Pinag ipunan nya Ndi nman Isang tinda ng buko patayo agad ng bahay syempre nag sikap nagtipid sya para makamit pangarap nyang bahay proud of you po👍🏻 galing nman"
0 Comments