Lingid sa kaalaman nating lahat, marami pa ring magagandang bagay ang hindi natin natutuklasan dito sa mundo. Katulad na lamang ng mga yamang nakatago sa ating mga bakuran o di kaya naman sa kagubatan, ngunit, ito ay madalas nating hindi napapansin at binabalewala lamang.

Katulad na lamang nang nangyari sa dalawang magsasaka na ito na nagtanim ng isang ugat ngunit lingid sa kanilang kaalaman mayroon pala itong magandang bagay na nakatago dito.

Ang dalawang magsasaka ay nakakuha ng isang malaking ugat ng ginseng kung saan ito ay mayroong bigat na nasa 100 kilos. Sa katunayan nga, ang laki nito ay tila kasinglaki na ng dalawang magsasaka. Ngunit, hindi alam ng dalawang magsasaka na mula sa Si Chuan na ang ugat na kanilang nakuha ay isang Pueraria Mirifica.


Noong una, plano ng dalawa na hatiin ang ugat ng ginseng, ang una ay gawin itong gamot habang ang isa namang hati ay ibibigay sa kanilang mga kamag-anak. Ngunit, ang balita na nakakuha sila ng malaking ugat ng ginseng ay mabilis naman kumalat sa iba't ibang parte ng mundo.

Isa namang lalaki mula sa Guang Dong ang nagkaroon ng interes dito at pumunta sa lugar ng dalawang magsasaka upang bilhin ang ugat ng ginseng sa halagang $700. Dahil sa malaki na ring pera ang alok sa kanila ng lalaki, hindi naman na nagdalawang isip ang dalawa na ibenta ang ugat ng ginseng dito.

Ngunit, matapos mabili ng lalaki ang ginseng, ito naman ay binenta niya kung saan ito ay nabenta niya na mas mataas ng sampung beses sa $700 na binigay niya sa dalawang magsasaka. Ito naman ay binili ng isang negosyante sa halagang $300,000.

Nang malaman naman ng dalawang magsasaka ang balitang ito, sila ay nagsisi na ibinenta nila ito sa ganoong halaga dahil hindi rin naman nila alam ang tunay na yaman na nakatago sa ugat ng ginseng na kanilang nakuha.