Naging viral at usap-usapan sa social media ang post ng netizen na si Wina Dalaorao tungkol sa kaniyang kaibigan na nanghihingi ng pabor at nangungutang upang may maipanggastos sa unang kaarawan ng anak nito.
Sa post ni Wilma, ibinahagi niya na nag-private message sa kaniya ang babae para mangutang ng sampung libo para mayroong ipanghanda sa anak nito na magdiriwang ng unang kaarawan.
Ayon sa kanilangn conversation, sinabi ng babae na ang pera na kaniyang hihiramin ay gagamitin niya para ipanghanda dahil naaawa siya sa bata kung ito ay wala man lang handa sa kaniyang unang kaarawan.
Ang P10,000 na hihiramin nito ay para daw sa catering services, cake, at lechon. Ayon pa sa babae, masyadong maliit para kay Wilma ang P10,000 dahil malaki ang sinasahod ng asawa nito na isang seaman at nagtatrabaho din si Wilma.
Nagulat naman si Wilma dahil para sa kaniya ay malaking halaga na ang hinihiram ng kaniyang kaibigan at hindi din niya alam kung saan ito kukunin dahil marami din silang pangangailangan sa bahay. Dahil dito, nagbigay na lamang si Wilma ng payo sa kaniyang kaibigan na gawin na lamang simple ang handaan dahil ang mahalaga naman ay mayroong handa kahit papaano at magkakasama ang pamilya.
Ngunit pinipilit pa din siya ng kaniyang kaibigan dahil sila daw ay kukuha ng catering services. Sinabi pa nito na hindi sapat ang konting handaan lang sa dami ng mga bisita at mga kaibigan na kanilang inimbitahan.
Saad ni Wilma sa kaibignan na sana ay maging masaya at kuntento na lamang ito sa kung ano ang maihanda. Sinabi pa ni Wilma na ang mahalaga ay masaya ang kanilang anak na siyang may kaarawan kahit simpleng handaan lamang.
Dito na nagalit ang kaibigan ni Wilam. Sinabi pa siya nito na hindi naman siya maganda. Bukod pa diyan, m1nura pa ng babae si Wilma at sana umano ay mamat4y na lamang daw ito at lahat ng tinatamasa ngayon ni Wilma ay mawawala din sa kaniya.
Narito ang kabuuang post ni Wilma:
"I dont want to post this but you provoke me to do such thing and [dumadami na ang ganitong mga tao!]
Fyi, [hindi ako nagtatrabaho para lang ipahiram ang sahod ko para may pang pa LECHON, CAKE at CATERING ka].
Regardless if how much is my salary its either big or not its none of your business if how im gonna spend my money cos ive worked hard for it.
[Mayaman daw ako dahil seaman daw ang Tatay ko] hahaha!!!
[Bakit may mga ganitong tao?] you’re so lucky enough cos im still hiding ur face.
God bless you. Advance happy bday imu baby."
0 Comments