Naranasan mo na bang makakita ng mga hugis parisukat na alon o di kaya isang square waves kung tawagin sa dagat na minsan ay nakikita natin sa mga larawan na ipinopost sa social media. Paniguradong ikaw ay mamangha dahil sa kakaibang hugis na ito na nanaisin mo itong makita sa personal. Ngunit sa kabila ng kakaibang hugit nito ay mayroon itong kaakibat na kapahamakan. Ang sinasabing square waves na ito ay napakadelikado.
Ang square waves ay ang mga alon na hugis parisukat na kung tawagin din ng marami ay 'cros seas'. Ang nasabing square waves ay resulta ng mga interseksyon ng mga karagatan kung saan nagbabanggan ang mga alon na sanhi naman ng pagkakaroon ng malalakas at matataas na agos ng tubig.
Sinasabing ang namumuong bagyo malapit sa nasabing karagatan ang isa sa maaaring pagmulan ng square waves. Napakadelikado ng square waves lalo na kung ikaw ay nasa malapit sa baybayin. Kaya naman kapag ikaw ay nakakakita nito ay lumayo o di kaya ay lumikas ka na agad dito.
Ayon sa mga eksperto, ang square waves ay nagtataglay ng mataas na agos ng tubig mula sa karagatan na nagdudulot ng mga aksidente lalo na sa mga barko, bangka, at mga tao.
Kayang kaya ding sirain ng square waves maging ang mga malalaking barko kahit pa man ito ay matibay dahil sa matitibay at matitigas na bakal na nakapalibot dito.
Ayon pa sa ilang pag-aaral, mahihirapan ng makaahon o makalayo ang isang tao na natangay ng square waves dahil maaari ka nitong tangayin patungo sa mas malalim na parte ng karagatan.
Maliban pa diyan, ang mga square waves ay nakakabuo din ng mga reeftides na nagdudulot para sa isang tao na mahirapan ng lumangoy palayo dito.
Kaya naman dapat ay lagi tayong maingat at mapanuri, lalo na kung tayo ay nasa karagatan. Huwag din nating subukan na lumangoy sa square waves kahit ikaw ay eksperto sa paglangoy dahil maaaring malagay sa alanganin ang iyong buhay.
Samantala, sa isang ulat sa Estados Unidos, mahigit 1,000 na katao ang nasagip ng mga coast guard na tinangay ng square waves ngunit tinatayang nasa 100 na katao ang hindi na nakaligtas pa mula dito at b1nawian ng buhay.
0 Comments