Katulad ng ibang mga personalidad, pinasok na din ng aktres na si Andi Eigenmann ang mundo ng YouTube vlogging para ipakita din sa kaniyang mga tagahanga at followers ang kaniyang simpleng buhay kasama ang pamilya sa probinsya.

Sa kaniyang mga video, makikita ang simple at kuntentong buhay na mayroon si Andi sa Siargao kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na nilisan ni Andi ang showbiz limelight para sa isang simple ngunit masayang buhay sa Siargao.



Ipinatayo din ng aktres ang kaniyang dream house sa nasabing probinsya.

Sa nagdaang apat na taon, mapapansin natin na talagang masayang masaya na ang dating 'Agua Bendita' aktres sa buhay na mayroon siya ngayon. Siya ay mayroon ng tatlong anak, mga negosyo, at nagagawa ang mga bagay na malapit sa kaniyang puso nang hindi na iniisip ang maaaring sabihin ng ibang tao sa kaniya.


Makikita naman sa mga video at larawan ni Andi na siya ay masaya at kuntento na sa kaniyang simpleng buhay na malayo sa showbiz limelight.

At kamakailan lamang nga ay natapos na din ang konstruksyon ng kaniyang dream house.


Ibinahagi ng Duardez 3D Rendering Services sa kaniyang Facebook page ang larawan ng bagong renovate na bahay ni Andi sa Siargao.

Ngunit, ang pumukaw sa atensyon ng maraming netizens ay ang desisyon ni Andi na huwag tanggalin ang cogon-made roof na disenyo ng kaniyang bahay, katulad ng isang bahay kubo. Nais kasing ipinatili ni Andi ang tradisyunal na Filipino look sa kanilang bahay.

Sa isinagawang research, napag-alaman na ang Duardex 3D Rendering Services pala ay siya ding tumutulong sa maraming mga establisyemento at kabahayan sa Bohol, Siargao at iba pang mga kalapit isla.



Hindi din madaling proseso ang paggawa ng bubong na yari sa cogon. Ito ay kinakailangan pa ng pagbibilad ng mga halaman katulad ng sedge, sanga ng pawid, rushes, straw, heather, at tambo. Sa Pilipinas, ang cogon grass ay matatagpuan sa mga probinsya sa bansa.