Isa sa mga natulungan ng vlogger na si TechRam ay ang isang lalaking palaboy na laging may hawak na ballpen at papel.
Sa isang video na in-upload ni TechRam sa kaniyang YouTube channel, itinampok niya ang kwento ni Tatay Freddie na napansin niya na nakaupo sa gilid ng kalsada habang mayroong hawak na ballpen at papel.
Nang makita ng vlogger ang kalagayan ni Tatay Freddie, walang pag-aalinlangan niya itong nilapitan at kinausap kahit kapansin-pansin na tila ito ay wala sa tamang pag-iisip.
Doon nga ay napag-alaman niya na isa palang abogado noon si Tatay Freddie.
Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap lalo na nang tanungin ng vlogger si Tatay Freddie tungkol sa kaniyang pamilya.
Sa katunayan nga ay hindi siya nalalayo sa mga ito ngunit ayaw lang talaga niyang umuwi sa mga ito. Nabanggit din niya ang mga hinanakit na mayroon siya sa kaniyang mga kamag-anak na aniya ay "nilalamangan" siya.
Maliban sa pagsusulat, kapansin-pansin din ang husay niya sa pagguhit.
Kinumbinsi naman siya ni TechRam na iuwi sakaniyang pamilya o madala mas lamang sa maayos na matutuluyan dahil delikado din ang kalagayan nito sa kalye. Ngunit mariing tumanggi dito si Tatay Freddie kahit noong binalikan siya ng vlogger.
Samantala, nang kausapin naman niya ang pamilya ni Tatay Freddie, halos tumutugma ang ilang pahayag nito sa mga naibahagi ng kaniyang pamilya.
Si Tatay Freddie pala ay hindi isang abogado ngunit ito ay biniyayaan ng talento sa pagguhit ng disenyo ng mga bahay.
Nalulungkot naman ang kaniyang pamilya na ganoon ang sinapit ng ama ng kanilang tahanan. Hiling nila na sana ay bumalik na din muli sa piling nila si Tatay Freddie na matagal na din nilang hindi nakikita.
Samantala, ang pag-iinom at barkada umano ang isa sa dahilan ng nangyari kay Tatay Freddie. Sumabay pa dito ang mga pagsubok na pinagdaanan nito sa buhay.
0 Comments