Hindi biro ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW). Kailangan nilang tiisin na malayo sa kanilang pamilya at magsakripisyo para lamang mabigyan ng mas maayos at magandang buhay ang kanilang pamilya.

Kagaya na lamang ng isang OFW sa Kuwait na si Rodelyn Fortes.

Kada buwan ay pinapadala niya ang kaniyang sahod sa kaniyang asawa at mga anak na naiwan dito sa Pilipinas. Ngunit lingid sa kaalaman ni Rodelyn ay may isang malaking tulong pala na ginagawa ang kaniyang mister na si Rogelio Fortes.

Sa halip kasi na gastusin ang mga pera na ipinapadala ni Rodelyn mula sa Kuwait ay iniipon pala ito ni Rogelio. 


Kaya naman labis na nasurpresa at nagulat si Rodelyn nang malaman ang ginawa ng kaniyang asawa.

Pagbabahagi ni Rogelio,

"Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako."

Maliban pa diyan, ang kanilang ipon ay nadagdagan din dahil sa extra na kinikita si Rogelio mula sa kaniyang pagtitinda.


Lubos naman na hindi makapaniwala si Rodelyn sa halaga ng naipon ni Rogelio dahil aniya ay sapat lamang din sa mga ito ang perang ipinapadala niya. Kaya labis na lamang ang kaniyang pagkagulat nang malaman kung gaano kalaki ang naipon nito.

Ang pera ding naipon ni Rogelio ang ginamit nila upang ipatayo ang kanilang sariling bahay.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa ginawa ni Rogelio. Marami din ang pumuri sa kaniya dahil sa pagiging maalaga at mapagmahal nitong ama at asawa sa kanilang pamilya.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Nakakabilib ang pagpapahalaga nang-aama sa sakripisyo ng nanay.

Saludo ako sayo brod!"

"Dapat ganyan ang pamilya ng mga nag aabroad! Congrats sa family!"

"saludo ako sa inyo kuya at sa mga anak minulat mo sila sa pag iipon habang bata pa at hindi basta magastos o luho  hindi mabisyo at pangpamilya talaga ang uunahin,,,,at alam sinupin ang pinaghihirapang pera 👏👏👏proud si nanay sana all😂...."

"Bilib ako sa iyo sir(tatay)... Bibihira mga ganyang tatay baka iba yan ipinambabae, sugal at napunta sa mga bisyo pero kayo imbes na gastusin inipon pa ninyo at dinadagdagan..God bless po sir."