Nahaharap ngayon ang aktor na si Jake Cuenca sa kasong r3ckless imprud3nce dahil sa pagbangga nito sa sasakyan ng pulisya sa isang operasyon sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa mga post sa Facebook, ang insidente ay nangyari umano sa Shaw Boulevard at Meralco Avenue sa Pasig City.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na El Theater, makikita ang insidenteng nangyari at sinabi din sa caption na nagkaroon ng putukan at isang Grab driver ang natamaan dito.

Saad sa post,

"Mainit init na tsismis mga Mars! Jake Cuenca nyo nahuli ng pulis at nagkaputukan pa nga ng baril. May nadamay pa na grab driver sana makasurvive si kuya [sad emoji]."


Samantala, sa isang panayam sa Dobol B TV, kinumpirma naman ng Eastern Police District director na si Brig. Gen. Matthew Bacay ang balita noong Linggo ng umaga, October 10, 2021. 

Ayon kay Bacay, isang SUV umano ang sumalpok sa sasakyan ng pulisya bandang alas-9 ng Sabado ng gabi, October 9, habang mayroong isinasagawang dru6 operation sa Mandaluyong.


Ang driver ng SUV, na kalaunan ay nakilala ng mga pulis na si Jake Cuenca, ay hindi huminto at nagpatuloy lamang sa pagtakbo hanggang sa nakarating sila sa Shaw Boulevard sa Pasig City.

Saad ng police official sa panayam ng dzBB radio,

"So last night about 9 p.m., meron dumaan na sasakyan. Unfortunately, tinamaan yung sasakyan ng pulis natin. Actually it was reported na Jeep na sasakyan, so nagulat yung police personnel natin na hindi tumigil yung sasakyan.

"The police chased the vehicle until they were led within the Pasig City area, particularly in Shaw. When they confronted [the driver], it was the actor Jake Cuenca."


Sinabi ni Bacay na kinailangan nilang "disable" ang sasakyan ni Jake para mapigilan ang aktor sa pagtakas.

Gayunpaman, isang Grab rider ang natamaan ng stray bull3t.

Ani Bacay,

"We are taking care of this Grab driver. It was a very unfortunate incident.

"But nonetheless, I instructed to POP ng Mandaluyong, Col. Mel Onos, na to take care of all the needs of this v1ctim. Yung tinamaan ng stray bull3t."

Sinabi ni Bacay na ngayon ay nasa police custody na si Jake at sasailalim sa medical examination. Hindi naman kinumpirma o itinanggi ni Bacay kung nasa impluwensiya ba ng alak ang actor.