Hindi na nga napigilan ng Kapuso star na si Heart Evangelista na banatan ang isang netizen na tumawag sa kaniya ng "ba0g".
Sa vlog na ipinost ng actres at fasion icon sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi niya ang bakasyon nila ng kaniyang asawa na si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa Balesin Island. Ipinakita din ni Heart sa kaniyang vlog ang mga bonding moments nilang mag-asawa at iba pang kaganapan sa kanilang bakasyon.
Saad ni Heart sa description ng kaniyang vlog,
“We haven’t been seeing each other a lot lately so when we finally had time to be together, Chiz and I decided to take a mini honeymoon in Balesin.
“Watch us play a fun game of Never Have I Ever and celebrate life’s little moments by the sea. This is going to be a really laid-back vlog so I hope you enjoy watching as much as I enjoyed filming this!”
Proud din na sinabi ng actress na wala silang kasamang yaya o personal assistant sa kanilang bakasyon sa kauna-unahang pagkakataon.
Saad pa ni Heart na sila lamang ni Chiz ang nag-asikaso at gumawa ng lahat ng kanilang mga pangangailangan sa Balesin, isa sa mga lugar na nakatatak na sa kanilang puso dahil sila ay ikinasal doon noong Pebrero 15, 2015.
Ngunit kung marami ang natuwa sa latest vlog ni Heart at nainggit dahil sa kanilang mini-honeymoon, may isa namang netizen ang nag-komento ng hate message laban sa actress.
Saad ng netizen,
“Kahit ilang honeymoon pa yan ba0g ka pa den d ka na magkakaanak.”
Kaagad naman itong napuna ni Heart at sinagot ng basher ng, “Ul0l—the only word you can understand.”
Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumwelta si Heart sa mga netizens na nagbibigay ng hate messages sa kaniyang mga social media posts at sinasabi na sayang lang ang ganda at s3xy ng kaniyang katawan dahil hindi pa siya nagbubuntis.
Bwelta naman ni Heart sa mga bashers,
“Ok na sana lahat. stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive, again it’s my body.
“I’m not mad just furious how people think na need mo magkaanak para maging masaya. I am already a happy person and grateful tama na ang pressure. Inspire each other nalang tayo.
“Wag kayo mag-alala nobody has a perfect life… my life is far from that. Si panda Lang ang perfect ang life (ang Panda na sinasabi niya ay ang favorite dog niya),” sunud-sunod na tweet ni Heart kung saan kinompile ang sexy photos niya at doon dinumog ng mga nagdududa na baog siya kaya ‘di nabubuntis.”
Matatandaan na nabuntis si Heart sa kambal sana nilang anak ni Chiz noong 2018 ngunit siya ay nakunan.
0 Comments