Hindi maipagkakaila ang taglay na magandang katangian ng actor na si Piolo. Magmula nga sa kaniyang magandang tindig, matikas na pangangatawan, at gwapong mukha, talaga namang hinahangaan at kinakikiligan siya ng mga kababaihan.
Malayo na nga ang narating na tagumpay ni Piolo sa industriya ng showbiz. Sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon, may isang taong hindi nagsasawang sumusuporta sa kaniyang karera maging sa personal niyang buhay.
Sa hirap ng pagsubok, maging sa tagumpay, kasama ni Piolo ang kaniyang personal assistant na si Yaya Moi. Sa simula pa lamang ni Piolo sa showbiz, kasama na niya si Yaya Moi at ngayon nga ay halos dalawang dekada na nilang nae-enjoy ang bawat isa ng magkasama.
Kung titignan sa mga larawan ay mapagkakamalan talagang may relasyon sila dahil sa mga sweet photos nila. Kaya naman hindi lang personal assistant ang turing ni Piolo kay Yaya kundi ay parang kapamilya na din. Sobrang malapit at komportable sila sa isa't isa at higit sa lahat ay kilala na din nila ang personalidad ng bawat isa. Maging ang anak ni Piolo na si Inigo ay naging malapit na din kay Yaya Moi.
Kaya naman bilang ganti ng actor sa kabutihan nito at pag-aalaga sa kanila, tinatamasa ngayon ni Yaya Moi ang maayos na buhay. Lahat din ng maaaring ipagkaloob ni Piolo sa kaniyang Yaya Moi ay ibinibigay niya dito.
Ngunit ang higit na kahanga-hanga dito ay ang pagpasok ni Yaya Moi sa showbiz na talagang sinuportahan ng buong buo ng actor. Pinamalas na din ni Yaya Moi ang kaniyang talento sa pag-arte nang maging kabilang sa cast ng "Kimmy Dora Trilogy" at "Mommy Returns" noong 2012.
Ngunit sa kabila ng magandang karera ngayon ni Yaya Moi, nanatili pa din siyang tapat kay Piolo bilang personal assistant nito at hindi din ito nagkukulang pagdating sa mga gawaing bahay.
Marami sa tagahanga ni Piolo ang nainggit kay Piolo dahil bukod sa nakakasama nito ang actor sa loob ng mahabang panahon, tinatamasa din nito ang magagandang benepisyo at oportunidad na hindi basta-bastang naibibigay ng mga amo sa kanilang mga kasambahay. Syempre, pati mga fans ni Piolo ay inggit na inggit dahil sa sobrang malapit nila sa isa't isa. Kahit nga sa pagtulog ay magkatabi ang dalawa at nagyayakapan pa.
0 Comments