Nitong isang araw ay namahagi ang actress na si Gretchen Barretto ng mga kahon-kahon na pagkain sa kaniyang mga kaibigan sa industriya. 

Tila maagang pamasko nga ito ni Gretchen sa mga taong malalapit at mahahalaga sa kaniyang buhay. Labis naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap sa mga ibinigay na ito ni Gretchen sa kanila.

Ilan sa mga nakatanggap ay sina Ellen Adarna at ang kaniyang anak na si Elias Modesto. Gayundin ang mag-inang sina Candy Pangilinan at Quentin. Nakatanggap din ang pamilya ng dermatologist ni Gretchen na si Dra. Aivee ng Aivee Clinic. Ganoon din ang mga anak ni Nadine Samonte. 


Pero maging si Gretchen ay nakatanggap din ng special na cake na gawa mismo ng kaniyang kaibigan na si Bing Loyzaga.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga personalidad na nakatanggap ng munting regalo kay Gretchen at maging ang mga anak nito ay nagpapasalamat din sa munting handog sa kanila ng actress.


Marami naman sa mga netizens ang pumuri kay Gretchen dahil sa pagiging mabuti nito, lalo na sa kaniyang mga kaibigan. Marami din ang mas lalo pang humanga sa actress dahil sa kabutihang loob nito, hindi lamang sa mga bata at malalapit niyang kaibigan, kundi maging sa mga taong nangangailangan din.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Gretchen B is real generous person. Aside from giving gifts to children and friends, she never fails giving and helping too to other ordinary people"


"Masarap makatanggap ng gift mula sa kaibigan, kahit mayaman ka.oh mahirap pg nkakatanggap tyo ng gift dba an saya at napakagaan ng pakiramdam kasi may isa tayong kaibigan na labis tayong pinapahalagahan. God bless Gretchen. 💝💖🙏🏼"

"Pretty Gretchen it ads to your beautiful Person being Generous n thoughtfulness this pandemic,am your Fan always excited to see news from you, Sana All has a Sweet pretty Friend like You 👏👸😇❤"