Sa kabila ng mga pagsubok at problema na ating kinakaharap ngayon dahil sa pand3miya, nakakatuwa lamang isipin na marami pa din sa ating mga kababayan ang hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay at lalong nagsusumikap upang masuportahan at maitaguyod ang kanilang pamilya. 

Kahit nga ang mga may kapansanan ay patuloy lamang sa paghahanapbuhay kahit nasa gitna pa din tayo ng pand3miya ngayon.

Kagaya na lamang ng kahanga-hangang delivery rider na ito.


Ibinahagi ni Avril sa kaniyang social media account ang larawan ng isang delivery rider na naghatid ng kaniyang order. Lubos na hinangaan ni Avril ang nasabing delivery rider hindi lamang dahil sa ito ay matanda na kundi mayroon din itong kapansanan. Napabilib si Avril sa sipag at dedikasyon ni tatay sa kaniyang trabaho bilang isang delivery rider sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Si Tatay ay isang Lalamove delivery rider. Noong araw na iyon, si Avril ay magpapa-deliver ng dimsum kaya naman siya ay tumawag ng Lalamove rider ngunit hindi niya inaasahan na ang delivery rider ay isang matanda at mayroong kapansanan. Ang binti ni tatay ay putol at meron lamang itong pr0esthetic o bakal na binti.


Ayon kay Avril, napansin daw niya na tila hirap na sa paglalakad si tatay marahil dahil sa katandaan nito maliban sa suot nitong pr0sthetic. 

Hindi maiwasan ni Avril na mag-alala sa kalagayan ni tatay dahil ang mga dimsum na kaniyang ipapadeliver ay may kabigatan at baka mas lalo lamang itong mahirapan. Ngunit sa halip na i-cancel ito ay tinanggap ni tatay ang dimsum at idineliver pa din ito sa kaniya.

“Kung mapapansin niyo po bakal ang kanang side ng paa ni Tatay. Kaya hirap siya tumayo at kahit mabigat po pinadeliver ko na dimsum di po siya nag-cancel. Di ko din po kasi expected na ganun po kalagayan ni Tatay. Basta Tatay salute ako sa’yo.”

Humanga si Avril kay tatay dahil sa pagsusumikap at pagpupursige nito. Hindi nito alintana ang kaniyang kapansanan at edad dahil mas mahalaga para sa kaniya ang makapaghanapbuhay upang maitaguyod ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Samantala, marami din sa mga netizens ang humanga kay Tatay. Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Yan ang dapat hangaan na di hadlang ang kakulangan para magtrabaho ng matuwid, samantalang yung iba walang kakulangan pero nagtatrabaho ng di matuwid.”

“Ang galing mo Tatay, good job ka! God bless you po sa inyo. Lagi kayong mag-ingat.”

“Ang mga PWD hindi hadlang sa society bagkus nakakatulog pa! Mabuhay ang mga nagsususmikap na PWDs!”

“Yan ang mabuting Tatay, madiskarte, masipag, matiisin. Saludo ako sa inyo Tatay, magandang halimbawa ka sa iba.”