Inihayag ni Robert "Dodot" Jaworski Jr. na ang kaniyang ama na si PBA great Robert "Sonny" Jaworski ay hindi pa tuluyang magaling matapos nitong tamaan ng sakit na pneumonia noong nakaraang taon.
Sinabi ni Dodot na ang kaniyang ama ay nakikipaglaban ngayon sa isang bihirang karamdaman sa dugo dahilan para siya ay madaling tamaan ng iba pang mga karamdaman.
Ani Dodot sa panayam sa kaniya ni Anthony Taberna sa programa nito na "Tune in kay Tunying",
"Mayroon siyang blood disease e. It's a problem na elevated ang kanyang iron... pero at the same time an3mic siya."
Dagdag pa niya,
"For the past so many years, we've been trying to look for doctors here and abroad but none of them can understand anong nangyayari sa kanya.
"He's okay naman but he's not 100% physical strength."
Si Jaworski, na kilala rin bilang "Big J," ay isa sa pinakamamahal na alamat sa kasaysayan ng basketball sa Pilipinas. Siya ay nakilala ng marami dahil sa kaniyang "never say d1e" spirit na nagbibigay ng positibo at magandang laro sa kanilang team na Ginebra.
Siya ay tinawag din na "Living Legend" ng Philippine basketball dahil sa kaniyang matagal na karera sa PBA.
Ngunit sinabi ni Dodot na ang matagal na karera sa basketball ng kanyang ama ay siya ding isa sa naging sanhi para sa pagkakasakit ni Jaworski.
Aniya,
"Sa long exposure niya sa physical strain ng hardcourt, siyempre lumalabas ang sakit ng tuhod, sakit sa likod."
Saad pa ni Dodot,
"Inaalagaan siya sa bahay niya sa Corinthians. There are days he's in high spirits, doing very well. May mga araw lang namang tahimik din siya. Sana nga bumalik 'yung kanyang sigla at lakas."
Sinabi ni Dodot na ang "high iron" levels ng kaniyang ama ang naging dahilan kung bakit ito nagtagal sa basketball. Ngunit ang kaniyang kalusugan ay malaki din ang pinagbabago habang siya ay tumatanda.
Sambit ni Dodot,
"He retired from the PBA at the age of 50. It could be 'yung high iron levels is one of the reasons why parang naging super active siya compared to the others. Now ngayong nagkaka-edad siya, it could be the reason why humina siyang bigla."
Samantala, nanawagan naman ng panalangin si Dodot sa publiko para sa tuluyang paggaling ng kaniyang ama sa s4kit na iniinda nito.
Aniya,
"Sa lahat ng mga fans... we thank you for the well wishes, pero kailangan po ng dasal para tuluyan na siyang gumaling."
0 Comments