Singsing na binili ni Ivana Alawi para sa kaniyang sarili ay nagkakahalaga pala ng milyung piso!
Matatandaan na ibinahagi ni Ivana noong nakaraang taon sa kaniyang vlog ang regalo na ibinigay niya para sa kaniyang sarili para sa kaniyang ika-24 na kaarawan.
Noong kaarawan niya last December 25, 2020 ay napili ni Ivana na bigyan ang sarili ng isang 8-karat diamond ring.
Ayon kay Ivana, bakit pa siya maghihintay ng lalaki na bibili o magreregalo sa kaniya ng singsing kung kaya naman na niyang bilhan ang kaniyang sarili nito.
Aniya,
"Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e di bilhan ko na lang sarili ko, ‘di ba? It’s just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya para sa sarili ko.”
Dagdag pa niya, ang singsing din daw ay maituturing na isang investment na mas tumataas pa ang halaga habang tumatagal.
Saad ng actress, noon pa man ay pangarap na niya na magkaroon ng isang diamond ring kaya naman pinag-ipunan talaga niya ito at natupad din ang kaniyang birthday wish.
Ayon sa report ng PEP.ph, ang naturang singsing ay nagkakahalaga pala ng tinatayang P12-M.
Sa kanilang panayam sa jewelry maker na si Drake Dustin ay ibinunyag nito ang kwento sa likod ng mamahaling singsing ni Ivana.
Ayon kay Drake, gusto niyang kuhanin si Ivana na i-endorse ang kaniyang jewelry brand na LVNA.
Saad ni Drake,
“Too weird. Parang tinadhana ni universe… yung tingin namin…
“Before namin siya kunin, hinahanap na namin siya. Biglang yung mom niya, si Tita Fatima, nag-message sa Facebook namin. Then we started collaborating sa IG muna. Yung parang pullouts-pullouts muna.”
Saad pa ni Drake ay hindi niya talaga binebenta ang singsing ngunit nang ito ay makita ni Ivana nagpursige at talagang nag-ipon ang dalaga upang ito ay bilhin.
Vana Moon ang ipinangalan niya sa nasabing singsing dahil habang ginagawa niya ito ay talagang si Ivana na ang pumasok sa kaniyang isip.
0 Comments