Hindi biro ang pagiging isang magsasaka. Tinitiis nila ang hirap at mabilad sa ilalim ng init ng araw makapagtanim lamang ng palay o di kaya ng ibang produkto para maitaguyod ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Bukod pa diyan, may mga problema at sakuna din silang nararanasan na dahilan ng pagkawala ng kanilang mga inaani kagaya na lamang sa tuwing may bagyong dumadaan sa bansa.

Katulad na lamang ng nangyari sa mga magsasaka na ito na pilit isinasalba ang kanilang mga aning mais matapos manalasa ang bagyong Maring sa Northern Luzon areas.

Dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala ni bagyong Maring, maraming mga pananim ang nasalanta sa Northen Luzon region na siyang tinamaan ng nasabing bagyo.


Sa larawan at video na ibinahagi ng netizen na si Bobby Dumayag Jr. makikita ang mga magsasaka na pilit sinasalba ang mga mais na kanilang inani na lubog na sa tubig.

Ayon kay Bobby, ang 400 sako umano na mais na inani ng mga magsasaka ay tinangay na ng baha sa Baggao sa Cagayan. Tanging 20 na sako lamang daw ang naisalba mula dito.

Kaagad naman naging viral sa social media ang nasabing post ni Bobby. Marami sa mga netizens ang nalungkot at nadurog ang puso para sa nangyari sa ani ng mga magsasaka dahil hindi din biro ang puhunan na ginastos nila dito at ito lamang din ang tanging pag-asa nilang pagkukunan para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Sending hugs and prayer sa inyo mga kapatid, ang bigat sa dibdib, praying na mas madaming pang blessings ang ibalik ni God kaysa sa mga nawala niyo🙏🙏🙏😥"


"yan,tlga ang mahirap yung panahon,ang kalaban,,,kasi dimo alam kung kelan nnman yan,maibibilad s araw,,,ayaw lng n masira kakainin kahit may amoy n xa kasi daming gastos at pagod para lng makaani,,,,Laban lng po mga farmers,,,wala kming sinasaka pero alam nmin yung hirap at gastos nyo,,,😥😥"

"I feel so sad when I see this images I am also a child of a farmer so I can feel the pain that farmers fell. Those many days of tiredness then just vanish like a bubble. There is nothing I can do but to pray for them. 🙏"