Dinepensahan ng action star na si Robin Padilla ang kaniyang sarili sa mga b4sher kasunod ng kaniyang pahayag tungkol sa pangangalunya.
Sa panayam ni Ogie Diaz sa kaniya, kinumpirma ni Robin na hiwalay na ang kaniyang anak na si Kylie sa asawa nito na si Aljur Abrenica dahil sa panloloko umano ng huli.
Sinabi ni Robin na wala siyang pagtutol tungkol dito at sinabi na natural lamang sa mga kalalakihan na magl0ko dahil sa tuks0.
Aniya,
"Tsaka sa panahon ngayon, huwag tayong maglokohan, pare. Di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tuks0."
Samantala, dinepensahan naman ni Robin ang kaniyang sarili sa panayam sa kaniya ng asawa na si Mariel Rodriguez at sinabi na ang lahat ng kaniyang sinabi ay base lamang sa kaniyang personal na karanasan.
Saad ng aktor,
"Ako, e, nagsasalita sa aking experience. Experience 'yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasik4tan.
"Ang tuks0 ay realidad. Kasama sa every day life."
Nang tanungin kung niloko na ba niya ang kaniyang asawa, pagbibirong sagot ni Robin, "Pinapayagan mo naman ako tumingin-tingin."
Seryoso ng saad niya,
"Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it."
Sa huli, sinabi niya na sa lahat ng nanuod ng kaniyang pahayag sa nakaraang interview ay dapat tapusin muna ang buong video.
Aniya,
"Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo yung interview."
Dagdag pa ng action star,
"Dun lang sa caption, binan4tan na 'ko nang sobra-sobra.
"Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na 'yon, di ba? Hindi porke't sinabi na natuks0 ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga 'yon. Napaka... masyado ka nang forward."
Samantala, sinabi ni Mariel na hindi niya tino-tolerate ang kahit anong ways ng panlol0ko at hindi siya madadalawang isip na iwan ang aktor kung sakali na mangalunya ito.
0 Comments