Pumanaw na ang batikang komedyante na si Mahal o Noema Tesorero sa edad na 46-year-old.

Ang nakakalungkot na balitang ito ay kinumpirma sa GMA News Online ngayon lamang Martes ng stepmother ng komedyante na si Josefa Tesorero. Gayunpaman, tumanggi naman itong magpa-interview at magbigay ng iba pang detalye tungkol sa sanhi ng pagkawala ni Mahal.

Ani Josefa sa kaniyang GMA News Online,

"Hindi muna ako tatanggap ng interview, please. Hindi pa namin kaya. Sorry."


Nauna ng kinumpirma ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang tungkol sa pagpan4w ni Mahal sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya ay hindi pa sila ay makakapagbigay ng detalye tungkol sa burol ng comedy actress bunsod ng C0VID-19 restriction.

Aniya,

"Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pang schedule sa kanyang burol due to C0VID restriction."


Samantala, marami naman ang nagpahayag ng pakikidalmahati para sa naiwang pamilya ni Mahal.

Nito lamang ay naging laman ng balita si Mahal dahil sa pagbisita niya sa dating ka-love team na si Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, sa probinsya nito sa Guinubatan, Albay. Kasama sa pagbisita ng comedy actress ang nali-link sa kaniya na si Mygz Molino.

Si Mahal ay huling napanood sa GMA series na "Owe My Love".


Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

"Sobrang nalungkot ako nabigla mahal...inaabot ako ng umga kakapanood sainyo sobrang dmi mong alala...naway maging masaya kasa bago mong tahanan kasama si LORD🙏🙏🙏😭PAALAM MAHAL NA MAHAL KA NAMIN⚘⚘⚘😘😢"

"Rest in Paradise Mahal maraming salamat sa pagbibigay kasiyahan sa aming lahat 🙏🏻 ❤️🥺🕊"

"She's beautiful right, btw Ang dami niyang napasayang tao.💗 Rest in peace MAHAL🙁💗"

"Rest in peace mahal we miss yuo..lalo n ang ngiti at halakhak m sa vlog kayong magaswa" 

Rest in Peace, Mahal.