Pum4naw na ang komedyante at TV host na si Shalala noong Miyerkules ng umaga, Hunyo 23 matapos ang pakikipaglaban sa kaniyang sakit na pulm0nary tub3rculosis sa edad na 61.
Ito ay kinumpirma ng kaniyang kapatid na si Anthony Reyes sa GMA News Online.
Saad ni Anthony bago ibigay ang iba pang detalye tungkol sa mga huling sandali ni Shalala,
"Napapaiyak po ako, sandali."
Si Shalala ay na-confined sa National Kidney Institute noong nakaraang linggo at inilabas din matapos magpakita ng ilang senyales ng pagbuti sa kaniyang kalusugan.
Gayunpaman, noong Martes ay muling isinugod si Shalala sa ospital sa Fe Del Mundo Medical Center sa Banawe, Quezon City.
Sa isang Instagram post noong Miyerkule ng umaga, ang matalik na kaibigan ni Shalala na si Marivic Nieto ay ibinahagi ang ilang larawan ng komedyante kung saan makikita ito na nasa ICU. Nanghingi din ng panalangin at tulong si Marivic para sa matalik na kaibigan. Sinabi din niya na nag-negatibo si Shalala sa C0VID-19.
Si Shalala o si Carmelito M. Reyes sa tunay na buhay ay ipinanganak noong Enero 21, 1960.
Kilala siya sa showbiz industry bilang "Shalala," isang pangalang na ibinigay sa kanya ng yumaong starmaker na si German "Kuya Germs" Moreno.
Siya ay nagbigay ng katatawanan at saya sa maraming tao sa nakalipas na mga taon sa kaniyang mga program sa GMA-7 katulad ng 'Walang Tulugan with the Master Showman' at 'Tweet Biz' kung saan siya ay naging kilala para sa kaniyang iconic na 'blind item' segments.
Siya ay gumanap din sa ilang mga pelikula katulad ng 'Ang Darling Kong Aswang', 'Agimat at Enteng Kabisote', 'My House Husband: Ikaw Na', at 'Echosering Frog.'
Bago matapos ang phone interview, nagbigay naman ng maikling mensahe si Anthony sa kaniyang Kuya Lito.
"Maraming-maraming salamat po sa lahat, Kuya Lito. Ikaw ang naging sandalan naming magkakapatid. Ikaw na nagtaguyod sa pamilya. Hirap kami kung wala ka. Maraming-maraming salamat sa tulong na ginawa po para sa’ming lahat.”
Nanawagan din ng tulong si Anthony para sa mga gastusing medikal ni Shalala.
Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaari kayong magpadala sa:
Anthony M. Reyes
Metrobank Savings Account Number: 091-3-091-33785-2







0 Comments