Isang nakakalungkot na balita ang bumungad nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 25 tungkol sa pagp4naw ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa edad na 61. Habang ang karamihan ay muling inaalala ang kaniyang mga nagawa, mayroon ding malambot na parte si Aquino sa kaniyang puso.
Siya din ay na-linked sa ilang mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz.
1. Liz Uy
Ang fashion icon na si Liz Uy ay isa sa mga kilalang babae na dating naiugnay sa dating Pangulo na si Noynoy Aquino. Katulad ng nabanggit ng Preview, si Liz ang naging stylist ni Kris Aquino noong naging pangulo si Noynoy ng bansa. Hindi nagtagal ay naging stylist na din siya ng dating Pangulo. Ngunit sa pahayag nina Tito Boy Abunda at Ballsy Aquino-Cruz, sila ay lumalabas madalas ng magkasama ngunit ang kanilang relasyon ay hindi eksklusibo.
2. Shalani Soledad
Sino nga ba naman ang makakalimot sa napakagandang opisyal ng Valenzuela City na si Shalani Soledad? Ayon sa SCMP, dating naging reporter si Shalani ng UNTV noong 2005 kung saan sila nagkakilala ni Noynoy na congressman pa noon sa Tarlac. Noong 2008 naman ay muli silang nagkita.
3. Grace Lee
Si Grace Lee na isang Korean entertainment anchor ay isa sa mga reporter na nakapukaw sa atensyon at puso ng dating Pangulo. Sina Grace at Noynoy ay nagkita noong 2011 noong pumunta ang huli sa Cebu para sa bakasyon.
4. Bernadette Sembrano
Ang kilalang mamamahayag na si Bernadette Sembrano ay isa sa mga naging girlfriend ng dating Pangulo. Inamin mismo niya na siya at si PNoy ay naghiwalay dahil sila ay parehas na abala sa kani-kanilang mga ginagawa sa buhay. Sa isang panayam, hindi naman nagsalita ng kahit ano si Sembrano tungkol sa kanilang relasyon.
5. Len Lopez
Si Len Lopez ay isang stockbroker sa Deutsche Bank. Silang dalawa ni Noynoy ay namataan na magkasama. Inamin naman ni Ballsy na nasa dating stage ang relasyon nina Len at PNoy noon. Noong 2011 ay nakita pa ang dalawa na magkasama sa isang concert sa CCP.
Si Aquino ang ika-15 na Pangulo ng bansa. Siya ay tumakbo sa pagka Pangulo matapos ang p4gkamatay ng kaniyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.
Nitong Huwebes lamang ng umaga, Hunyo 24, napabalita na sinugod sa ospital si Aquino ngunit noong araw din na iyon ay b1nawian siya ng buhay. Isang ulat mula sa Rappler ang nagbunyag na sumailalim umano ang dating Pangulo sa heart operation. Siya din ay nakikipaglaban sa ilang mga sakit at sumailalim sa mga dialysis sa loob ng limang buwan.





0 Comments