Isang nakakalungkot na balita ang naiulat ngayong Huwebes lamang, Hunyo 24, tungkol sa p4gp4naw ng dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa edad na 61.
Hindi kaila na naging tahimik at hindi na din nakikita ng publiko si Aquino simula noong matapos ang kaniyang panunungkulan bilang Presidente ng bansa limang taon na ang nakakalipas.
Ang dating Pangulo ay isinugod sa ospital noong Huwebes.
Samantala, hindi naman nagbigay ng ilan pang detalye tungkol sa pagk4wala ng dating Pangulo.
Si Aquino ay naihalal na Pangulo ng bansa noong 2010 kasunod ng pagkam4tay ng kanyang ina, dating Pangulong Corazon Aquino, noong 2009.
Si Cory ay nahalal pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution at pagkabagsak ng diktadurang Marcos.
Mahigpit na tinutulan ng mga magulang ng dating pangulo ang malakas na pamamahala ni Ferdinand Marcos, na humantong sa pagp4tay sa kanyang amang si Benigno Aquino Jr. nang umuwi ito matapos ang political exile nito noong 1983.
Bago maging Pangulo ng bansa, si Aquino ay nagsilbi muna bilang Senator ng anim na taon at isang mambabatas, na kumakatawan sa Tarlac sa hilaga ng Maynila mula 1998 hanggang 2007.
Saad ni Aquino sa kaniyang speech noong 2010,
"I had no ambitions to run in the 2010 elections but I responded to the people's clamor. I am but the face of what we believe is the overwhelming demand of our people to repudiate everything wrong in this administration."
Nasa ilalim ito ng administrasyong Aquino nang dalhin ng Pilipinas ang China sa arbitral tribunal ukol sa malawak na pag-angkin nito sa West Philippine Sea. Ang tagumpay ng Maynila laban sa Beijing ay inanunsyo noong Hulyo 2016 matapos manalo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidente ng bansa.
Marami ang nabigla sa nakakalungkot na balitang ito. Gayunpaman, marami sa mga netizens at sa mga nakasama ni Aquino sa politika ang nagpahayag ng kanilang pakikidalamhati para sa naiwang pamilya ni Aquino.







0 Comments