Nagbigay ng goodvibes sa mga netizens ang isang Instagram post ng actress-dancer na si Yassi Pressman dahil sa kaniyang nakakatawang reaksyon sa prank na ginawa sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
Sa video na ibinahagi n aktres, makikita si Yassi na papasok sa tila isang walk-in closet habang kinukuskos ang kaniyang mga kamay nang bigla na lamang lumitaw ang kaniyang kaibigan mula sa isang bahagi sa kaniyang walk-in closet na nagpagulat kay Yassi.
Napasigaw na lamang si Yassi dahil sa takot at gulat. Siya ay papalapit na sana sa kaniyang kaibigan nang bigla na lamang lumapit sa kaniya ang kaniyang alagang aso habang tinatahulan nito ang kaibigan ni Yassi.
Sa caption ng post, hiling ni Yassi na huwag siyang gulatin dahil maaaring siya ay makas4kit ng hindi niya sinasadya. Pinasalamatan naman ni Yassi ang kaniyang aso at sinabi na naa-appreciate niya ang pagdepensa na ginawa sa kaniya ng alagang aso.
Saad ng aktres sa caption ng video,
"Please don't ever shock me again or else... I might actually think you're an intruder and h*rt you acc1dentally."
Dagdag niya pa,
"Thank you k1llathedachshund for trying to save me."
Matapos lumapit ang kaniyang aso, isa pang tao ang makikita sa video na tinatanong kung ano ang nangyari habang si Yassi ay natatawa na lamang sa background ng video.
Samantala, mabilis naman na naging viral sa social media ang naturang post ni Yassi at nagbigay ng goodvibes sa marami dahil sa kaniyang nakakatawang reaksyon.
Si Yassi ay isa sa mga kilalang aktres at dancer sa industriya ng showbiz. Siya ay mas nakilala pa sa kaniyang pagganap bilang asawa ni Cardo na si Alyanna R. Arevalo-Dalisay sa programa ng Kapamilya network na "Ang Provinsyano".
Bukod sa pagiging aktres, ipinakita din ni Yasi ang kaniyang husay sa pagkanta at pasayaw.






0 Comments