Muli na namang naging usap-usapan sa social media ang dating magkasintahan na sina Rob Moya at Toni Fowler. 

Kahapon lamang, Mayo 3, tuluyan na ngang inireklamo ni Toni ang dating kasintahan na si Rob sa programa ni Raffy Tulfo kung saan inihayag ng social media influencer ang lahat ng kaniyang hinaing laban kay Rob.

Una ay ang panggagamit umano ni Rob sa kaniyang anak na si Tyronia bilang content nito. Ginagawa din daw umanong kakatawanan ni Rob ang isyu tungkol sa pera na ginalaw nito sa savings na naipon niya para kay Tyronia na nagkakahalaga umano ng halos tatlong milyong piso.



Sa parteng ito, sinabi ni Tulfo na maaaring kasuhan ni Toni si Rob ng child abu$e.

Inilahad din ni Toni sa naturang programa na nais niyang bawiin ang mga sasakyan na kaniyang binili para sa dating kasintahan.



Ngunit, matapos ang panayam ni Toni sa Raffy Tulfo in Action, tila may patutsadahan naman na nabuo. 

Tila nagpaparinigan kasi sa social media sina Toni at ang kasintahan ngayon ni Rob na si Lai Austria. 



Bago magsimulang umere ang reklamo ni Toni kay Tulfo, siya ay nagpost na sa kaniyang social media account na 2pm siya sasalang para sa programa. Sa post naman ni Lai, tila pinapatutsadahan nito si Toni at sinabi na 3pm na at kung siya ay aabot pa daw ba. 

Marami naman sa mga netizens ang nag-uugnay sa tila parinig ni Lai sa post ni Toni. Hanggang sa nagsimula na ang dalawa sa kanilang parinigan sa isa't isa.



Ayon kay Toni, ang ginawa niyang ito ay huling aksyon na gagawin niya tungkol sa isyu. Pinatutsadahan niya din si Lai at tinawag na p0kp0k. 

Umalma naman muli dito ang bagong kasintahan ni Rob dahilan para mas lalong uminit ang kanilang iringan sa isa't isa sa social media.


Samantala, proud naman na ipinangalandakan ni Rob ang kaniyang "baby girl" na si Lai sa gitna ng iringan ng dalawang babae. Ito ay matapos niyang i-post ang panayam ni Lai sa isang vlogger.