Kahit pa man malapit sa kaniyang mga magulang, mas pinili pa din ng aktres at singer na si KC Concepcion na mamuhay ng mag-isa at maging independent, lalo na at mayroon na ding kaniya-kaniyang pamilya ang kaniyang mga magulang matapos ang kanilang hiwalayan.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni KC ang trailer ng kaniyang panayam kasama si Luchi Cruz-Vales para sa show na 'Usapang Real Life'. Dito ay hindi na nga napigilan ni KC ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang tungkol sa kaniyang mga magulang. Hindi din mapigil ng aktres ang kaniyang mga luha habang inihahayag ang kaniyang tunay na nararamdaman sa reyalidad na hiwalay ang kaniyang mga magulang.
Ani KC,
"Mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family.
“They’re both married, they both have children with their husbands and their wives."
Dagdag pa niya,
"Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila na silang dalawa, so meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin.
“Gusto ko may mga gagawin na ikaka-proud nila. Gusto ko lang na maging proud sa akin."
Ngunit, makalipas lamang ang ilang oras nang i-upload ito ni KC ay kaagad naman siyang sinagot ng kaniyang ina na si Megastar Sharon Cuneta sa isang Instagram post din.
Ayon kay Sharon, mahal na mahal niya ang kaniyang anak. Si KC din ang unang nakapagparamdam kay KC at Sharon na sila ay isang magulang. Sinabi din ni Sharon na hindi nag-iisa si KC at lagi siya at si Gabby na nasa kaniyang tabi.
Alam din ni Sharon na hindi kasalanan ni KC na mauwi sa isang pamilya na puno ng pagmamahalan noon ngunit nauwi din sa hiwalayan.
Aniya,
"You are not alone.
My eldest, this baby girl, should never have been made to feel alone…
“She didn’t choose to be born into a family that started out with so much love only to be broken apart into a million pieces, like her mother’s heart…
“If I could…I would turn back the clock, and though I know the break-up still would have happened, I would try to shield her innocence from time…
“But the part of life I gave her isn’t mine…Yet I would…If only I could"
Dagdag pa niya,
"And in a sense, whether we – or they – like it or not, we three still always will be, my Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion.
“Papa and Mama will love you forever. You will always be our first child, the first who made us parents."







0 Comments