Naging trending at inulan ng papuri sa social media ang isang Arab employer dahil sa kabaitan na ipinapakita nto sa kaniyang mga empleyado na OFW. Sa katunayan nga nyan ay kasabay pa niyang kumain ang mga ito na tila ba tinuturing na niya ang kaniyang mga empleyado na OFW bilang pamilya.
Kaagad naging viral sa social media ang kabaitan ng isang Arab employer kung saan makikita siya at ang kaniyang mga empleyado na OFW na kumakain ng magkasama sa iisang lamesa. Salungat sa mga madalas nating naririnig tungkol sa hindi magandang pagtatrato ng ilang mga Arabo sa kanilang mga empleyado, ngunit tila naiiba sa kanila ang employer na ito na tinuturing na ang kaniyang mga empleyadong OFW bilang pamilya.
Hindi biro ang pagiging isang OFW. Pagod, stress, homesick, at pagka-miss sa kanilang mga mahal na pamilya ay isa lamang sa mga nararamdaman ng ating mga OFWs. Gayunpaman, tinitiis nila ang lahat ng ito para lamang maiahon sa kahirapan ang pamilya at mabigyan ito ng magandang buhay.
May ilan pa nga sa ating mga OFWs ang humaharap sa pangan1b dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng kanilang mga boss katulad ng pisikal na panga-abus0 at minsan ay r4pe.
Ngunit kahit pa man madami tayong natatanggap na balita tungkol sa hindi magandang karanasan na kinakaharap ng ating mga OFWs sa kamay ng kanilang mga employers, hindi pa din naman patas kung ang lahat ng ito ay isisisi natin sa mga Arabo dahil mayroon pa din namang ilan sa kanila na mababait at tinuturing ang kanilang mga kasambahay bilang kanilang pamilya na.
Sa video na ibinahagi ng Facebook page na "I Love Natividad", makikita ang ilang mga Pilipina na kasambahay na masayang kumakain kasama ang kanilang boss at ang pamilya nito. Ang makita na sila ay nage-enjoy at masaya habang kumakain, lalo na tila ang mga kasambahay ay hindi sanay kumain ng mga ganoong uri ng pagkain. Walang mababakas na kalungkutan sa kanilang mga mukha.
Marami naman sa mga netizens ang humanga at namangha sa kabaitan na ipinakita ng Arabo sa kaniyang mga empleyado na OFW. Sana ay mas marami pa ang mga employers na katulad niya at sana din ay mas pagpalain pa siya dahil sa kaniyang kabaitan.
Hiling naman ng ilang netizens na sana ay dumami ang mga OFWs na magkaroon ng mabait at mabuting employers.



0 Comments