Marami talagang mga nakakamanghang bagay sa mundo na ating ginagalawan na minsan ay ikinagugulat natin. May ilang mga pangyayari na mahirap paniwalaan at kinakailangan pa ng maingat at matinding pag-aaral para maintindihan ito. May pagkakataon pa nga na maraming mga eksperimento ang ginawa para ma-resolva o malinaw ang mga bagay na nais nilang malaman.

Katulad na lamang ng photographer na ito na nais malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa loob ng whirlpool.

Kung titignan natin ang whirlpool, talagang nakakatakot it na tila ba ay nanghihigop. Isa itong mabilis na pag ikot ng tubig sa dagat na kahit ang mga propesyonal na manlalangoy ay takot din dito dahil sa oras na mahigop ka nito, hindi mo sigurado kung makakaligtas ka pa o makakaalis dito ng buhay.


Si Jacob Cockle ay isang British photographer na nakilala dahil sa kaniyang mga videos patungkol sa mga underwater activities sa iba't ibang lugar.

Dahil sa kaniyang kuryosidad, buong tapang na tinalon ni Jacob ang karagatan kung saan mayroong whirlpool dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa loob nito. Bitbit ang kaniyang camera, pinakita niya ang tunay na nangyayari sa loob ng whirlpool. Doon ay napag-alaman niya na ito ay para palang buhawi sa ilalim ng dagat na may napakalakas na impak ng tubig.

Dahil sa buong tapang niyang paglangoy malapit sa whirlpool, ito na siguro ang pinaka naging viral sa lahat ng kaniyang mga video at dito siya mas nakilala ng mga tao.

Ang ating kuryosidad ang siyang nagiging motibasyon at inspirasyon natin para malaman ang mga bagay na nais nating malaman ngunit dapat pa din natin isaalang alang ang ating mga sarili at tayo ay dapat ding mag-ingat dahil ang kuryosidad natin ay maaaring magdala sa atin sa kapah4makan.