Nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa marami ang estudyanteng teenager na ito dahil sa kaniyang katatagan sa kabila ng mapait na karanasan.

Hindi inaasahan ng 21-anyos na si Zianne Tremedal na siya ay magdadalantao sa murang edad na 18. Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid at madalas noong nahuhusgahan at natatawag bilang black sheep ng kanilang pamilya dahil sa katigasan ng kaniyang ulo.

Noong nalaman niya na siya ay dalawang buwan na buntis na pala, siya ay nagsisimula na noon sa kaniyang 3rd-year sa Southwestern University sa Cebu City sa kursong Medical Technology. Si Cianne ay pumunta sa isang malapit na clinic at doon niya narinig ang heartbeat ng kaniyang baby sa pamamagitan ng ultrasound.


Saad niya sa isang panayam,

“Na1yak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero ang sarap sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang first heartbeat ang baby mo.”

Dahil doon, napaisip si Zianne kung itutuloy ba niya ang kaniyang pag-aaral o hindi muna. Napagpasyahan ni Zianne na huwag huminto. Dinala niya ang kaniyang baby sa kaniyang mga magulang noon siya ay manganak at ipinagpatuloy ang pag-aaral.


Pagbabahagi ni Zainne,

“Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko. Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.” 

Siya ay pumupunta sa library araw-araw para mag-aral. Minsan ay tinutulungan siya ng kaniyang mga kaklase sa pamamagitan ng pagdadala ng kaniyang bag.

Ngunit, ang pinakamahirap sa kaniyang mga pinagdaanan ay ang hindi pansinin ang mga tao na alam niyang siya ang pinag-uusapan.

Aniya,

“Mas4kit, nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko.”

Nagpapadala siya noon ng breastmilk para sa kaniyang baby habang ito ay nasa pangangalaga ng kaniyang mga magulang.

Aniya sa Twitter,

“Nag-pa-pump ako habang nag-aaral.”

Dagdag niya,

“Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week. Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong um11yak siya, gusto ko nang umuwi, kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko.”

Ngunit, lahat ng paghihirap niya ay nagbunga noong Abril 2018. Ito ay dahil nakamtan na niya sa wakas ang kaniyang Medical Technology degree.

“Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito. That one mist4ke taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it.” 

Si Zianne ay nagsilbing inspirasyon para sa mga kabataan na nasa parehong sitwasyon na huwag mawalan ng pag-asa at huwag panghinaan ng loob bagkus tignan lamang ang mga positibong bagay sa kabila ng mga negatibong pangyayari.