Palagi tayong pinaalalahanan ng ating mga magulang na dapat tayong mag-aral ng mabuti at maghanda sa ating hinaharap. Ang pahayag na ito ng ating mga magulang ay hindi lamang tumutukoy sa pagbuo ng pamilya o sa buhay may asawa, dapat din nating isipin ang mga panahon na tayo ay matanda na.

Marami sa atin ang nagpapamiyembro sa mga insurance company, security services, at nag-iinvest pa nga kapag may pera pang natitira upang mayroon silang makukuhanan kung sakali na dumating ang panahon na sila ay matanda na.

Napakahirap ng buhay matanda kapag wala silang retirement kung saan nila kukuhanin ang mga kailangan sa pang-araw-araw, lalo na kapag sila ay wala ng kamag-anak o anak na malapitan. Kaya naman madalas tayong nakakakita ng mga matatanda na nasa lansangan at nagsusumikap na sa halip na nagpapahinga na lamang sa kanilang tahanan ay kailangan pa din nilang maghanap buhay at magbanat ng buto.


Kaya naman nararapat lamang na tayo ay kumuha ng mga insurance o di kaya ay mag-ipon para ating mapaghandaan ang pagreretiro. Hindi lamang pang isang buwan dapat gawin ang paghahanda na ito kundi dapat ay sa mahaba ding panahon. Kaya naman dapat din na pahalagahan ang makukuhang retirement at gamitin ito sa mabuti.

Ngunit, napakasakit lamang tanggapin na kapag ang pera na iyong pinaghirapan ay muntik pang mawala sa iyo dahil sa mga tao na nanlolok0 ng kanilang kapwa.


Kagaya na lamang ng nangyari sa 92-anyos na lola na ito mula sa Balagtas, Bulacan na muntik ng mab1ktima ng mga bud0l-bud0l at halos nasa P7-M ang muntik ng nawala sa kaniya.

Nahuli din naman kaagad ang salar1n at nadak1p ito sa isinagawang entrapment operation. Nahuli ng mga pulisya ang susp3k na isang 24-anyos na lalaki na nakilala sa pangalan na Anthony Jitula at napag-alaman na ito ay madalas na umaaligid sa lugar ng Bulacan at sa mga karatig bayan nito.

Sa labas din mismo ng bangko nahuli ang suspek na si Jitula matapos nitong tanggapin ang pera ng matandang b1ktima na si Remedios Buizon na nagwithdraw sa Bangko.

Napag-alaman din na si Jitula ay isa sa grupo ng bud0l bud0l na plano na kuhanin ang pera ni Lola Remedios na mahigit na nasa P7-M na kaniyang pinagsikapan ng mabuti sa kaniyang pagtatrabaho sa Amerika sa loob ng 30 taon.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng mga pulisya, nakilala ni Lola Remedios ang mga susp3k dahil sa mga home appliances na inalok umano ng mga ito kay Lola.

Mabilis naman nilang nakuha ang loob ng matanda kaya hindi nagtagal ay inalok na din nila ito na mag-invest ng malaking halaga ng pera sa mga home appliances.

Saad ni Chief of Police Major Neil Cruzado ng Balagtas, Bulacan,

“Di natin alam kung gaano kagaling `yong skill nila sa pag-convince pero na-convince nila ang biktima kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawals.”

Saad naman ni Lola Remedios,

“Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo, `Wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ng tao, may mga walanghiya ngayon.”

“Kay tanda ko na, aargabiyaduhin pa nila. Imbis na tulungan nila, Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan.”

Muli namang nagbigay ng paalala ang mga pulis sa publiko na magdoble ingat sa kanilang paligid dahil patuloy na dumadami ngayon ang ganitong uri ng m0dus.