Nitong mga nakaraang araw ay muli na namang naging laman ng usapin sa social media ang mag-asawang sina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Ito ay matapos madiskubre ni Jelai ang pangbababa3 na ginagawa umano muli ng kaniyang asawa.
Matatandaan na noong taong 2015 ay naging magkasintahan ang dalawa ngunit nalaman din ni Jelai na nagkaroon ng ibang babae si Jon taong 2016 habang sila pa.
Pinatawad naman ni Jelai si Jon at binigyan ito ng pagkakataon sa pag-asa na hindi na muli nito uulitin ang ginagawang pangbababe.
Noong Oktubre 2018 naman ay nagpakasal ang dalawa. Ngunit sa isang Facebook live ni Jelai noong Marso 2019, inanunsyo niya ang desisyon nila ni Jon na maghiwalay na.
Lumpas ang isang taon ay sinubukan muli ni Jon na ligawan si Jelai at kunin muli ang loob nito upang maayos ang kanilang relasyon.
Noong nakaraang taon lamang ay palagi na muling nagkikita at nagkakasama ang dalawa kaya naman inaasahan ng kanilang mga fans at mga netizens na magbabalikan na ang tambalang JoLai.
Ngunit, kamakailan lamang ay kumalat naman ang balita tungkol sa isyu muli ng dalawa.
Sa tweet ni Jelai, ibinunyag niya na mayroon umano na babae na ibinabahay si Jon. Ang mas4kit pa dito ay nilolok0 na pala siya ni Jon noong Hulyo 2020 pa habang siya ay nasa lock-in taping para sa isang palabas.
Ayon kay Jelai, bata umano ang babae ni Jon. Maliban pa dito, binilhan din umano ni Jon ang bagong babae ng iPhone at condominium unit.
Hanggang sa lumabas na nga ang pangalan na Yumi Garcia na sinasabi na babae ni Jon. Si Yumi ay 18-anyos pa lamang at talent ng Viva Agency.
Dahil sa patuloy na pag-init ng kanilang isyu, ipinagtatanggol naman ng mga kamag-anak at kaibigan ni Yumi ang dalaga laban sa mga akusasyon na binabat0 laban dito.
May mga post pa ang mga ito sa social media na tila binabatikos ang aktres at sinabi na sila ay magpapa-Tulfo.
Kinwestiyon din nila ang YouTube content creator na bakit umano ngayon lamang ito nagsalita kung alam na nito ang tungkol sa panlolok0 ng kaniyang asawa noon pa.
Samantala, hanggang ngayon naman ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag sina Jon at Yumi ukol dito.
0 Comments