Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kung saan makikita na suot suot ng dalawa ang kanilang wedding attires.

Mahigit isang buwan na din simula ng nagpakasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Ang kanilang civil wedding ay ginanap sa The Farm and San Benito sa Lipa City, Batangas noong Pebrero 21, 2021.

Ang special na okasyon ay napaka intimate kung saan mayroon lamang imbitado na nasa 20 na guest kung saan kasama na dito ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa labas ng showbiz industry.


Dumalo sa kasal ang ama ni Luis na si Edu Manzano at ang kaniyang ina na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos kung saan kasama nito si Senator Ralph Recto.

Makikita sa mga larawan ang pagbuhos ng mga luha ni Luis nang makita niya si Jessy. Maging ang bride na si Jessy ay lumuluha din habang naglalakad papalapit sa kaniyang groom.


Ngunit, naging magaan naman ang paligid noong sinabi na ni Luis ang kaniyang vow.

"They don't know that I come running home when I fall down. They don't know who picks me up when no one is around."

Sa pagkakataon na ito tumawa naman si Jessy at sinabi,

"Parang kanta to, ha."



Kinuha nga ni Luis ang linya sa kanta ni Gary Valenciano na "Warrior is a Child."

Nang sabihin naman na ng TV host-actor ang kaniyang totoong vow, dito na muling bumuhos ang kaniyang luha.



Ani Luis,

"I want to promise that I will love you each day that comes even on those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal. I will choose to love you. 

"I promise to be your rock when you are weak, to put a smile on your face even on the darkest of days..."



Parte naman sa vow ni Jessy,

"Today is the beginning of our journeys, our lives together. I choose to spend today and all of my tomorrows with you."


Noong 2016, inanunsyo nina Jessy at Luis sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon at matapos ang apat na taon ay inanunsyo na nila ang kanilang engagement noong Disyembre 2020.