Sa wakas ay tinapos na ng aktres at content creator na si Ivana Alawi ang kaniyang pananahimik tungkol sa kumakalat na balita na siya ay maaaring makasuhan dahil sa kaniyang ginawa na street prank sa kaniyang YouTube vlog.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang ay naging usap-usapan sa social media ang vlog na ginawa ni Ivana kung saan siya ay nagpanggap bilang isang pulubi para i-prank ang mga tao na kaniyang nadadaanan. Kaakibat naman nito ay ang pagbibigay niya ng biyaya sa mga ito.

Sa naturang prank, siya ay nagpanggap bilang pulubi at nanghihingi ng limos sa iba. Sinusuklian naman niya ng x1000 depende sa kung magkano ang ibibigay sa kaniya. Halimbawa, kung ito ay P20 ay papalitan niya ito ng P20,000.



Maraming netizens ang naantig sa nasabing vlog, lalo na ang pakikipag-usap ni Ivana sa kutsinta vendor na si Tatay Joselito. Maliban sa pera na ibinigay niya dito, niregaluhan din ng aktres si Tatay Joselito ng ilang mahahalagang kagamitan.

Sa bagong vlog ni Ivana na may pamagat na "Filipino Breakfast Mukbang +Diamond Button", isa sa mga tanong na sinagot ni Ivana ay tungkol sa kaso na maaari umano niyang harapin.



Sagot ni Ivana,

"Kung may nalabag akong batas, edi kasuhan na lang nila ako, haharapin ko yun, lalaban ako di ba!"

Dagdag pa niya,

"Kasi para sa akin, I didn't do anything wrong! Ang intensyon ko is just to help out and to inspire people.



"Wala akong tinap4kan na tao, wala akong nas4ktan na tao and masaya ako sa video and I will do it again!"

Nagbigay din si Ivana ng update tungkol sa kanilang pagkikita muli ni Tatay Joselito.


Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon at komento ang bagong vlog na ito ni Ivana. Marami ang nagtatanggol sa aktres at sinabi na wala dapat siyang kaharapin na kaso dahil ang intensyon lamang niya sa vlog ay magbigay ng tulong.