Masarap nga naman talagang mag-punta o di kaya ay magbakasyon sa mga lugar na madalas dinadayo ng mga tao, lalo na kung ang iyong kasama ay ang iyong buong pamilya.
Kaakibat din ng pagbabakasyon ay ang pagkain sa mga kilalang kainan, pamimili ng mga pasalubong, pagkuha ng litrato sa magagandang tanawin, at pagtingin sa mga bagay na hindi pangkaraniwan.
Tiyak na alam naman nating lahat ang tinatawag na window shopping na kung saan ay maglilibot o magtitingin tingin ang isang tao o grupo ng mga tao ng mga bagay na kanilang makikita ngunit walang balak na bilhin ang mga ito.
Katulad na lamang ng pamilya na mula sa bansang China na dumayo sa Ruili City, Yunnan Province sa Western China para magtingin at maglibot na din sa Jade Market.
Ayon sa ulat mula sa Daily Mail, tumitingin lamang umano ang buong pamilya habang sila ay namamasyal. Marahil isa din sila sa mga dumarayo sa lugar na namamangha sa mga maaaring mabili dito.
Isang ginang ang napadako sa bilihan ng mga bracelet at sa hindi inaasahang pangyayari ay nabasag nito ang isang Jade Bracelet na kaniyang tinitignan. Ang nasabing bracelet ay nagkakahalaga pala ng $44,110 o mahigit na P2.2-M.
Ayon sa ginang, habang tinitignan umano niya ang naturang bracelet ay bigla umano itong nadulas sa kaniyang mga kamay at nahulog sa sahig. Dahil sa pagkakabagsak ay nahati umano sa dalawa ang Jade Bracelet. Nang malaman ang presyo ng nasabing bracelet, hindi mapigilan ng ginang na manlumo at bigla na lamang itong nawalan ng malay.
Ang may-ari naman ay nagsalita din at sinisingil ang ginang sapagkat hindi din biro ang presyo ng kaniyang tinitinda kaya kailangan nila itong bayaran.
Sinabi ng pamilya noong una na sila ay magbabayad ng halagang P500,000 ngunit ito ay tinanggihan ng may-ari sapagkat wala pa ito sa kalahati ng presyo ng bracelet na nabasag ng ginang.
Ngunit sa huli ay nagkasundo na sila sa presyo na P1.3-M na babayaran ng pamilya para sa nabasag na bracelet.
0 Comments