Isang nakakatak0t ngunit nakakatuwang vlog ang in-upload ni Jinkee Pacquiao at ang kaniyang anak na si Mary sa kanilang YouTube channel. Tampok sa bagong episode ang prank na ginawa nina Jinkee at Mary sa boxing champ at Senador Manny Pacquiao sa kanilang bahay.
Sa nasabing vlog, sinabi ni Jinkee na nadiskubre niya na mayroon ng boyfriend ang anak na si Mary. Habang kinakausap naman ang anak tungkol sa kaniyang "boyfriend", kapansin pansin ang pagiging kalmado lamang ni Pacquiao.
Saad ni Jinkee kay Manny,
"Her classmate texted me that she has a boyfriend."
Tugon naman ni Manny,
"May boyfriend ka?... Ha?... Kailan?"
Noong nalaman naman ni Manny na ito ay prank lamang, tumawa lamang siya sa kaniyang asawa at anak.
Mabilis naman na naging viral sa social media ang nasabing vlog. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Manny Pacquiao dahil sa pagiging kalmado nito sa sitwasyon. May ilan pa na nagsasabi na napaka-cool ni Manny bilang isang ama.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sobrang ganda anak mo idol Manny Pacquiao."
"Ang cute hehehe"
"Sana all ng daddy kasing cool ni mr.senator"
"Bait ni Sen.Manny kalmado lng,.best Actress c Madam Jinkee galing"
Si Jinkee at Manny Pacquiao ay isa sa mga hinahangaan na celebrity couple dahil sa kanilang pagiging hands-on parents sa kanilang mga anak at pagtuturo din sa mga ito kung paano makuntento at maging mapagkumbaba sa lahat ng bagay.
Dating nagtrabaho si Jinkee bilang isang sales attendant sa isang cosmetics brand bago niya makilala si Manny. Ang kaniyang tito ang nagpakilala kay Manny sa kanya noon. Nagkaroon din naman ng relasyon ang dalawa hindi nagtagal at sila ay nagpakasal noong 2000. Sila ay mayroon ng limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at si Israel.
0 Comments