Sa pagpasok ng taong 2021, ito din ang panahon o bagong pagkakataon para sa atin na harapin ang panibagong yugto ng ating buhay. Para naman sa social media influencer na si China Roces, ito na din ang kaniyang panahon para maka move on sa kaniyang dating kasintahan na si Tim Sawyer. 

Binigyan ni China ang kaniyang sarili ngayong taon ng panibagong pagkakataon para muli niyang buksan ang kaniyang puso sa iba.

Ilang buwan na din ang nagdaan simula noong maghiwalay sina Tim Sawyer at China Roces. Naging laman pa nga ng usapin sa social media ng ilang araw ang pagla-live ni China sa Facebook habang sila ay nagtatal0 ni Tim noong 2020. 



Ayon pa kay China, nagtatago umano ng pera si Tim sa kaniya at mayroon pa umano itong ibang babae.

Sa kabila ng nangyari, sinubukan naman ng dalawa na ayusin ang kanilang relasyon para na din sa kapakanan ng kanilang anak na si Baby Timothy. Ngunit tila ba hindi na talaga kaya pang isalba ni China ang kanilang relasyon kahit gaano pang effort ang gawin niya.



Naging usap-usapan din sa social media ang video kung saan makikita na magkasama si Tim at ang babae nito.

Samantala, tila ba nahanap na ngayon ni China ang lalaki na muling magbibigay ng saya sa kaniyang puso. Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang video kung saan idinokumento ang ginawang pagbisita ng manliligaw ni China sa bahay nito. Mayroon pa itong bitbit na sorpresa para sa social media star.



Sa video na ibinahagi ni China, makikita ang kaniyang misteryosong manliligaw. Dahil ngayon ay hindi pa handa na ipakilala ni China sa publiko ang bagong nagpapatibok ng kaniyang puso, hindi naman na niya muna binanggit ang pangalan nito. 

Gayunpaman, kapansin pansin pa din ang kilig at tuwa na nadarama ni China dahil sa pagbibigay ng kaniyang manliligaw ng bouquet of flowers sa kaniya.


Saad ni China,

"Pag may umalis, may bagong dadating na mas better. Deserve mong ligawan at mahalin sa kabila ng sakit at hirap na naranasan mo sa nakaraan. Never expect. Never assume. Never ask. Never demand. Just let it be. If it's meant to be, it will happen."