Ginulat ng Kapamilya star na si Angel Locsin nitong taon lamang ang publiko matapos niyang ibahagi sa kaniyang Instagram account ang ilang mga larawan na kuha sa bakasyon nilang pamilya sa beach ng Talisayen Cove sa Zambales.
Sa post ng 35-taong-gulang na aktres, ibinahagi niya na nabili na niya ang isang beach sa naturang isla.
Pinasalamatan din niya ang kaniyang mga tagasuporta at tagahanga dahil sila ang isa sa mga tumulong sa kaniya para matupad ang kaniyang pangarap na mabilhan ng isang beach ang kaniyang ama.
Saad sa caption ng post,
"Little by little I'm ALMOST there to fulfill my father's and now, my dream as well, to have a place where we can spend time as a family while being able to preserve the beauty of nature☺️ I don’t post stuff like this, but this became possible BECAUSE OF YOU guys so I feel you deserve to know that by giving me a chance in this world, your kindness and love has done wonders to our lives❤️ Thank you so so much ❤️ I hope #TheGeneralsDaughter would somehow make you happy in return 🙂 Excited for our next journey together 🤗"
Sa isang panayam sa morning talk show ng Kapamilya network na "Magandang Buhay", sinabi ni Angel na binili niya ang naturang beach property sa Zambales para bigyang katuparan ang pangako niya sa kaniyang ama na si Angelo Colmenares.
Sa parehong panayam, ibinahagi din ng aktres ang kwento tungkol sa pagkabulag ng kaniyang ama.
Ayon sa kaniya, ang kaniyang ama ang dahilan kung bakit siya nagtagal sa industriya ng showbiz dahil nais niyang makaipon ng pera upang mapagamot ang kaniyang ama.
Ngunit, noong siya ay mayroon ng sapat na pera, huli na para maayos pa ang mga mata ng kaniyang ama.
Saad pa ni Angel, sinabi na din daw sa kanila ng isang optalm0logo na 10 porsiyento lamang ang posibilidad na makakaligtas ang tatay ni Angel sa peligro ng mga imp3ksyon kung ito ay magpapatuloy sa op3rasyon.
Kaya naman napagpasyahan ng aktres na mag-invest sa isang bagay na alam niyang makakapagbigay ng benepisyo sa kaniyang ama at para na din matulungan na mapabuti ang kalusugan ng kaniyang ama na si Angelo.
0 Comments